Minsan...
Akala mo,
Nag-iisa ka lang sa mundo.
Mag-isang hinharap ang problema,
Ang lahat ng pait,.
Ang lahat ng pasakit.
Minsan,.dumadaing ka na.
Sumusuko.
Pakiramdam mo,parang wala ng katapusan.
Gusto mo man lumaban,
Pero mahina ka,
Mabuway.
Wala ka matakbuhan.
Wala ka makapitan.
Gusto mong magsumbong,
Pero walang gustong makinig.
Nasaan na nga ba sila?
Pero,hayaan mo na sila.
Huwag mong hanapin sa kanila,
Ang lakas na hinahanap mo,
Dahil mabibigo ka lang,
Madi-disappoint.
Ang bigat ng puso mo,
Kay Hesus mo ihabilin.
Ipagkatiwala.
Ipaubaya.
Kailanman hindi ka Niya pinabayaan.
Akala mo kasi,
Nakalimutan ka na Niya..
Ikaw lang ang nakalimot.
Ganun ka naman eh,
Kapag masaya ka,
Halos hindi mo na Siya maalala.
Pero alam mo...
Kahit ganun ka,
Mahal ka pa rin Niya.
Hindi mo ba alam,
Na sa bawat bigat ng puso mo,
Ng kalooban mo,
Nando'n lagi Siya.
Parang bakas lang,
Ng Kanyang mga yapak sa dalampasigan,
Akala mo hindi Ka niya sinasamahan,
Dahil iisang yapak lang ang nakita mo.
Pero ang totoo,
Kasama mo Siya,
Hindi mo lang nakita ang isa,
Dahil karga ka Niya
Habang naglalakad kayo sa buhanginan..
akala mo wala ka nang kasama pero palaging gumagabay at tumutulong ang panginoon upang malagpasan ang lahat ng pagsubok sa buhay mo at kahit gaano kahirap kaya mo yang lagpasan tutulungan ka na Diyos
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletewag tayong mawawalan ng pag-asa, magdasal lang tayo at manalig sa ating Diyos,kung wala ka nang maisip na tatakbuhanlapitan mo siya hindi lang sa tuwing may problema ka, dapat lagi kang nadadasal sa kanya, sa kalungkutan man o pasasalamat sa magagandang pangyayari sa ating buhay , wag natin siyang kalimutan dahil siya lang ang ating matatakbuhan at maaasahan.nandiyan lng sya lagi sa ating tabi, hinding-hindi niya tayo pababayaan.
ReplyDeletenakarelate ako kasi minsan pagwala kang problema nakakalimot ka sa kanya pero salahat ng oras kasama mo lang sya hindi hindi mo lang alam.
ReplyDeleteiba talaga si god!!!
maganda ang sarap ulit ulitin sana marami pang makabasa nito!!
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteMinsan akala mo nag iisa ka at walang handang makinig sa iyo na tila walang nagmamahal.Pero kapag talagang mabigat at masakit na sa puso at isipan at sa tingin mo hindi mo na kaya, doon mo lang naaalala na nandyan ang DIYOS na nagmamahal sa iyo higit pa sa sino man. Kaya nga sa isang kanta kong napakinggan sabi doon ni Jesus, I love you more than the sun And the stars that I taught how to shine You are mine, and you shine for me too I love you yesterday and today And tomorrow, I'll say it again and again I love you more. TOto na mahal tayo ng Diyos dahil bawat isa naman sa atin nakaranas ng pagmamahal at aruga ng Diyos.May konti lang akong ibabahagi tungkol sa karanasan ko sa ating Diyos ngayon ko ngalang ulit ito na alala noong ako ay anim na taong gulang. sa may bandang kusina namin sa luma namin itong bahay , nadulas ako kasi basa yung tiles .kaya lang una yung ulo ko bumagsak sa sobra ngang lakas pati kapit bahaynarinig yung lagapak. sa proteksyon at awa ng Diyos alam ko binigyan nya ako ng Guardian angel kaya hindi naman ako namatay at bukod doon parang wala nga lang kaso mas masakit yung balakang ko kaysa ulo ko pero salat sa Diyos ito ako malakas at buhay.Kaya alam ko na ang Diyos ay buhay at laging umaalalay sa iyo at maging sa akin.minsan maganda rin na pumunta ka sa isang tahimik na lugar at nilay-nilayin ang bawat tulong at sagot sa iyo ng Diyos.Minsan nag dadamdam tayo sa Diyos kasi akala mo hindi ka nya tinutulungan ngunit kung oobserbahin mo ang paligid kong gaano ko kapalad at gaano ka nya kamahal mapapangiti ka nalang at masasabing ang Diyos ay totoong buhay at nararama ko ito.Kaya kapag kagising mo sa umaga mainam na manalangin ka at mag pasalamat sa mga bagay na ginawa niya sa buhay mo at maging sa iyong buhay.Huwag mong kalimutan na ang ating Diyos ang siyang sumusustento sa iyong buhay at ang nag iisang makapangyarihan sa BUONG MUNDO.ito lamang ang aking liham tungkola tula at maraming salamat sa pagbasa.Huwag mong kakalimutan na ang diyos ay may tunay at lubos na pag ibig kahit na sino kaman tanggap ka niy ang tawag nga dito ay AGAPE LOVE salamat sa pagbasa....... :)
ReplyDeleteMinsan akala mo na ikaw lng ang nag-iisa sa mundo.Dahil sa problema mong dinadala.Kapag may problema kang pasan o dinadala wag mo itong takasan.Dahil kapag hindi mo kinaya ang problemang pasan mo madadagdagan ng madadagdagn ito kaya kung may problema sabihin mo lang sa mga kaibigan mo malay mo baka maktulong sila sa iyo.At wag mawalan ng pag-asa dahil kaya mo yan sabi nga sa kanta wag isuko at yong kaya mo yan at iyong labanan.Pagsubok lang yan.Ako nga yung problema ko sa teacher ko nung ako ay nasa 1st year na akala ko mag susumer ako sa TLE nasulusyunan ko dahil hindi ko ito tinakasan nagdasal lang ako sa Mahal na panginoon na tulungan ako sa mga problema ko yun lang po salamat From II-Philemon maraming salamat sa mga bumasa..................:)^_^
ReplyDeleteSa buhay ng tao,di maalis ang pagsubok,ang mga problema,minsan akala mo nag-iisa ka nalang,walang karamay,at minsan din nakakalimot tayo dahil sa mga problemang dumarating sa buhay natin,nakalimutan natin na myroong handang dumamay,makinig at umalalay sa atin pag hindi na natin kaya,walang iba kundi ang lumikha sa atin, ang panginoon. Ang mga problemang dumadaan o ating nararasanan ay minsang nagiging dahilan kung bakit natin siya nakakalimutan at minsan ay kinatatampuhan pa dahil sa mga pagsubok na ating nararanasan.
ReplyDeleteMarami rin akong nagiging problema sa bahay,sa school,sa mga kaibigan at sa mga taong di ako naiintindihan,,nakalimot ako sa kanya,,sumama ang loob,,gusto ko ngang sumuko eh !!!,,gusto ko ng isigaw na “AYOKO NA !” Pero mali ako,mahal pa rin nya ako,,kasi,,nung nasa gitna ako ng isang malungkot at sobrang bigat na oras.Binigyan nya ako ng isang taong makakaramay,isang taong uunawa, isang taong kahit di kame ganun ka close ay dinamayan ako,,sumasabay sa bawat pgtulo ng aking luha,,at iniintindi ako.Sinabi rin nya walang pagsubok na ibibigay ang panginoon na hindi ko kya,,dun ko na realize na mahalaga din ako sa kanya,,.Na realize ko na di dapat sumuko ! Ang pag subok ay isa lamang paraan ng diyos upang tayo ay maging matatag,malakas,at handa sa lahat ng mga bagay na dadating sa ating buhay. Ang pagkitil ng sariling buhay ay hindi solusyon sa lahat ng ating mga problema.
Lagi lang nating tatandaan na sa bawat pagsubok na dumating sa ating buhay,nandyan lamang sya sa ating tabi,umaalalay at umaagapay sa atin sa bawat oras sya ay wala iba kundi ang lumikha,an gating panginoong Hesus.
Allyssa V. Villavicencio
‘-‘
nakakapukaw ng damdamin ang tula ni poknat sana lahat ng makakabasa nito na kabataan ay magbalik loob sa panginoon at wag sanang malihis ng landas lagi ninyong tatandaan na nandiyan lang ang diyos na maaring hingan ng sagot sa inyong hinaing yun lang mabuhay tayo kasama ang panginoon......................
ReplyDeleteJOHN 2:11
ReplyDeleteJesus thus revealed His GLORY,and His disciples put their FAITH in Him.
-magtiwala lang tayo kay LORD..sbi nga sa tula kaoag nawalan tayo ng pag-asa huwag tayong susuko dahil laging nasa tabi natin si LORD hindi nya tayo pababayaan-
angelica :D
maganda poh ung kwento kasi relihiyoso po at maraming ma222nan
ReplyDelete