Sunday, August 12, 2012

BataKal


Ang mansiyon mo'y maluwang na lansangan
Araw man o gabi nagsisilbi mong kanlungan
Ang kama mo ay matigas na higaan
Malamig na sahig tagos sa iyong likuran.

Sa kahabaan ng hi-way ikaw ang boss
Walang pagod sa  iyong pamamalimos
Paghinabol ng pulis daig pa ang palos
Si ben tambling sa iyo ay nalaos.

Marumi mong damit tila isang kapa
Ng haring sa palasyo niyay tiningala
Pinangingilagan ng lahat ng madla
Ngunit wala namang sapin sa paa.

Hapunan mo'y kahit iisang putahe
Basta may nakahaing supot na rugby
Para ka na ding kumain sa jalibi
Utak namay nalulusaw unti-unti.

Dahil sa mapanghamong uri ng buhay
Kailangan mong sumugal at makisabay
Isang paa mo'y nakabaon na sa hukay
Itataya lahat para lang mabuhay.

Marahil hindi mo yan sadyang ginusto
Ang maging palaboy sa lahat ng kanto
Buhay na masalimuot at delubyo
Kahinaan mo ay siyang inabuso.

Napuno ng pait ang iyong kamusmusan
Namulat sa krimen bubot mong isipan
Kaya ano na ang magiging kinabukasan
Malamig na rehas,ang siyang hantungan?



Ang Nalimutang Paraiso


Sa dulo ng dagat aking naririnig
Hampas ng alon tila ba dumadaing
Sikat ng araw sa ibabaw ng tubig
Mayroong pait sa nakapapasong init.

Buhat dito  akin ding natatanaw
Ngiti ng langit ay tila ba pumanglaw
Ngayon ang dilim ay tunay na ngang inagaw
Ang ligaya sa kulay niyang mabughaw.

Napansin ko din na tila napagod na
Sa kasasayaw ang bulaklak na pula
Daiti ay may kulay ngunit bakit namutla?
Nahan nang aliw na dulot mong kaysaya?

Din na rin umimik ang hanging maingay
Nawala ang sigla at tila nanamlay
Hampas ng hangin sa puno  na dati'y  kumakaway
Ngayo'y lagas sa sangang namatay.

Dumating na ang araw na kailangan ng lisanin
Ang paraisong minsang kumupkop sa akin
Sa maraming taon sa kanya lumilim
Alaalang dapat ng limutin.

Think b4 U Click


TRAPO-lin


Deadline o Deathline?



Hell-met Law


2

Silang Malapit sa Kaldero


Dun sa isang maliit na baryo
SIlang tinaguriang malapit sa kalderoKung kumain ay sa malaking platoInumin nila ay sa ginintuan nilangg baso.

Tila bagang mga buteteng botodPuno ang tiyan at laging busogHindi magkadaugaga sa kaning sinasandok
Puno na ang bibig,hindi muna lumunok.

Di ba dapat ang iba ay kasahog din?
Sa kalderong laman ay mainit na sinaing,
Ngunit dahil malayo,di makaabot pa mandin
Natitira sa palad pagkaing katiting.

Ang kalderong ay para yan sa lahat
Hindi yan pag-aari ng iilan o apat
Wag sanang angkinin ng mga haring kumag
Pagkat galing yan sa buwis ni Juan sipag!