Nagiisa ka na,
Walang nagmamahal,wala ng kasama.
Tahimik ngunit malaya
Walang nagbabawal,walang sumisita
"Bossing" ka ng iyong oras
Gabi't hapon man ang lumipas
Gimik at lakwatsang walang habas
Nasusunod lahat ng gusto
Kahit saan man ikaw magtungo
Hawak iyong oras at minuto
Bumilang man ang maraming segundo
Nalilimutan ang sugat ng puso.
Ngunit pa'nona sa iyong pag-uwi
Lalo na't pagsapit ng gabi?
Sa iyong pagtulog,wala kang katabi
Hanging amihan sa iyo'y dumadampi
Lungkot sa pusong dito'y nagkukubli
Pangungulila'y hindi maitatanggi.
Pagpasok ng iyong silid
Luha sa mata'y mangingilid
Uupo sa sofang wala na sa paligid
Ang sintang pinakaiibig
Anuman ang gawin,hindi na siya magbabalik..
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteNakakalungkot pala maging single.Kasi wala kang kasama sa bawat oras na nag-iisa ka nakaka-walang gana,pero masarap din dahil nagagawa mo ang lahat ng gusto mong gawin at malaya kang makakapag-isip sa sarili mong disisyon.
Delete.. masaya pong maging single..
ReplyDelete... kasi po hindi naman po kailangan ng kasintahan para sumaya kumpleto lang ang pamilya ko masaya na ko at ung mga kaibgan ko lagi naman silang nandyan kaya hindi aku nalulungkot kahit wala akung kasintahan ... kapag nag ka boyfriend po nkaka dagdag lang po sa problema at nkaka limutan na po yung pag aaral hn=indi na po na ppriority ang pag aaral kaylangan sa edad natin priority natin yung pag aaral.. tapos yung iba po may kasintahan pero hindi naman sila ligal sa mga magulang.. nag sisinungaling sila sa mga magulang nial .. yung mga patagong relationship kahit gano pa po nila itago yung relationship nila .. mabubuko prin sila .. sbi nga nila walng sikretong hindi na bubunyag.. tsaka po bata pa po kame kya dapat hnd muna pumasok sa isng relationship tska ang pag ibig nakakapag hintay naman yan kung kayo talga ang para sa isat-isa .. khit mtanda na .. kayo prin ang mag kkatuluyan .. sa ngayon ang priority natin pag aara.. then pag nakatapos na tayo sa pag aaral pwede na po tayo pumasok s relationship.. at ang pag pasok sa relation ship dapat kya mu hindi yung pasok k ng pasok sa isang relationship tapos ilang arw lang hiwalay agad dapat FIRST AND LAST .. sbi nga nila ... SINGLE BUT BLOOMING AND HAPPY NO PROBLEM NO WRINKLES .... :)
Masarap maging single ..
ReplyDeletekasi walang iniintindi kundi ang pag aaral lang .
hindi naman porket single ka malungkot kana , nandiyan naman ang mga kaibigan at magulang na laging nandiyan sa lahat ng oras na kailangan mo sila .
Masarap maging single ..
kasi walang hadlang sa lahat ng gagawin mo , malaya sa lahat ng bagay o malaya sa mga gagawin .
For me mas priority ko ang pag aaral kaysa sa mga ganyang bagay . May tamang panahon naman para sa mga ganyang bagay , huwag mag madali bata pa tayo . Dadating din yun time para sa ganyang bagay .
Masarap maging single kase malaya kana sa oras na gusto mo , hindi naman lahat ng single ay malungkot diba ? masarap maging single kase walang makikialam sayo tyaka pag single di ka masasaktan .. Pag single ka makakapag aral ka ng mabuti ..
ReplyDelete