Wednesday, October 19, 2011

Dahil Bata Ka Pa


Ang pagtanda ay hindi minamadali
Dapat may natutunan habang lumalaki
Tuklasin mo ang iyong sarili
Nang lumaki ka ng tama at mabuti.

Dahil bata ka pa ikaw muna'y pasakop
Sa magulang mong sa iyo'y kumukopkop
Walang sawang sa iyo'y nagtataguyod
Kahit masakit na ang kanilang gulugod.

Dahil bata ka pa ikaw muna ay makinig
Sa payo at aral na lagi nilang sinasambit
Buksan ang puso at ng ikaw ay maantig
Ginintuan nilang aral itatak sa dibdib.

Dahil bata ka pa 'wag masydong matapang
Lumaban at sumagot sa magulang
Matabil mong dila at pagsagot ng pabalang
Ugaling kasumpa-sumpa't walang paggalang.

Dahil bata ka pa malambot pa ang buto
Upang suungin ang hamon ng mundo
Hindi mo kakayanin ang unos at bagyo
Kalasag mo'y hindi singtibay ng bato.

'Wag munang pasukin ang larangan ng pag-ibig
Pagkat bubot pa ang iyong puso't isip
'Wag kang magmadali at 'wag ding ipilit
Pagkat sa huli baka ikaw ay humibik.

Walang magulang ang maghahangad sa anak
Na sila'y mapariwara't mapahamak
Ganda ng kinabukasan ang tangi nilang hangad
Ng lumaking kang may dangal at dignidad.


28 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dapat sumunod ka sa magulang mo at mahalin ang magulang mo para sa hinaharap na kung ikaw na ang magulang ngayon ganon din ang ibibigay ng anak mo.

      Delete
  2. sinasabi nito habang buhay ang mga magulang mahalin mo ng lubos-lubos at sundin ang magulang kasi para pag nawala na ang mga magulang natin maalala natin pa sila kahit di tayo masunorin .

    ReplyDelete
  3. (JOHNCRIS CABUGNAO)
    sinasabi po dito na dapat di ninamadali ang pagtanda.
    dapat din po igalang po natin ang ating mga magulang dahil kapakanan rin natin ang ini-isip nila .at sinasabi rin po sa tula na dapat tumbasan natin ng maganda ang sakripisyo ng ating mga magulang sa atin.
    wag rin po muna mang ligawa o magpa-ligaw dahil wala pang alam ang mga puso sa mga ganyan dahil baka masaktan lang sa bandang huli :)

    ReplyDelete
  4. para po sa akin hindi po dapat na sumagot sa magulang ng pabalang dahil hangad lang naman nila ay makita ang kani - kanilang anak na gumanda ang buhay hindi rin po dapat magmadali sa pag tanda lalo na po pagdating sa pag-ibig =)

    ReplyDelete
  5. Marami sa mga kabataan, tulad ko na palaging napapagalitan sa mga kasalanan na ating nagagawa, ngunit hindi ibig sabihin nito ay dapat tayong lumaban o sumagot ng pabalang sa ating magulang, bagkus ay dapat tayong makinig at sumunod sa kanilang mga pangaral dahil ang mga aral na iyon ay upang itama ang ating pagkakamali at ito ay makakatulong sa atin sa pagkakaroon ng kagandahang asal.
    Bukod dito,,, huwag din tayong magalit kung hindi pa tayo pinapayagan ng ating magulang na magkaroon ng maagang pag-ibig, dahil mas dapat lang nating unahin ang pag-aaral kaysa sa panliligaw.Huwag muna tayong magmamadali sa buhay dahil darating naman ang panahon para sa atin:)
    Igalang,respetuhin, at mahalin natin ang ating magulang sa lahat ng oras, dahil sila ang makakapitan at makakatulong sa ating buhay kung mayroon man tayong problema o wala. Sundin natin sila dahil mas maraming silang nalalaman at naranasan sa buhay kaysa sa atin.Ang tanging hinahangad lang nila sa atin ay maging mabuting tao at magkaroon ng magandang kinabukasan!!!


    (Hannah Mae Umerez of II-Agape)

    ReplyDelete
  6. Ito po ay nagsasabing tayo't bata kaya dapat muna nating ipaubaya ang ating pagpapasaya sa ating magulang, madalas inaamin natin may pagtatampo tayo sa'ting mga magulang pag may mga bagay na hindi nasusunod o napagbibigyan , pero sinasabi nga dito na walang magulang na gugustuhin mawala sa magandang landas ang kanilang mga anak. Bata pa tayo , di hamak na mas alam nila ang nararapat dahil lahat ng napagdadaanan natin ay natahak na nila.

    ReplyDelete
  7. PARA SAKIN PO ANG IBIG SABIHIN NITO AY HABANG BATA KA PA MAKINIG KA SA PAYO NG MAGULANG MO DAHIL WALANG MAGULANG ANG GUSTONG MAPARIWARA ANG BUHAY NG KANYANG ANAK

    ReplyDelete
  8. Kaming mga bata pa ay dapat sundin ang mga ninanais ng aming mga magulang ika nga alam nila kung ano ang mas makakabuti sa atin.Tayong mga kabataan ay dapat munang magpasakop sa ating ma magulang dahil sa gantong murang edad na meron tayo ay hindi pa natin kayang tumayo sa sarili nating mga paa,kinakailangan parin natin ang gabay ng ating mga magulang.Lahat-lahat ay ginagawa nila para sa atin at kung minsan pa nga'y nagsasakripisyo pa sila para lang sa ikabubuti natin.Kaya't bilang pasasalamat dapat nating sundin,galangin at mahalin ang ating mga magulang.Ika nga "WALANG MAGULANG ANG NAGNAIS NA ANG ANAK AY MASAKTAN".

    - CATALAN,RIA CARLA
    ( II-AGAPE )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang galing nyo naman maam...
      salamat po maam! dahil may natutunan po ako sa iyong tula...
      dahil bata pa ako dapat pala ay makinig ako sa mga payo at aral ng aking mga magulang at dapat itatak ko sa aking puso ang mga ito . Tama po kayo dapat pala ay wag akong masyadong matapang, kasi minsan po kapag nagagalit po ako sa sarili ko po at magulang ko habang pinapagalitan ako, sumasagot po ako. Ngayon ko lang po na realized na marami po akong pagkukulang sa aking mga magulang. Tapos ngayon ko lang po naalala ito: walang magulang ang naghahangad ng masama sa kanilang anak o walang magulang na hindi mahal ang kanilang anak... salamat po sa paalala!! malaking tulong po ito sa akin..
      napakahusay nyo po, dahil kahit sinuman ang magbabasa ng inyong tula ay agad makakaintindi sa mensaheng nais nyo pong iparating....

      Delete
  9. Para po sa akin walang makapapantay sa pagmamahal at pagaaruga ng ating mga magulang.Lahat nang kaya nilang ibigay at gawin ay kanilang isinasakatuparan upang masigurong kanilang nagagampanan ang kanilang tungkulin at papel sa ating mga buhay .Kung ang mga magulang nati'y nagawang gampanan ang kanilang obligasyon bakit hindi tayo ? Maraming tayong mga paraan na maaaring gamitin upang masuklian ang kanilang mga sakripisyo para sa atin .Hindi nila kailangan ng mga materyal na bagay,kailangan lang nating iparamdam sa kanila na labis ang ating pagmamahal para sa kanila .ang ating mga buhay ay hiniram lamang natin sa poong may kapal,hindi natin alam kung kailan nya ito babawiin sa atin,kaya't habang maaga pa'y gawin na natin ang mga bagay na dapat nating gawin at isa na roo'y ang iparamdam sa ating mga magulang ang kanilang importansya sa atin dahil baka kung kailan huli na'y saka pa tayo magsisi.sa pagkakabasa ng tulang ito'y lalong sumidhi ang aking pagnanais na ipamalas sa aking mga magulang na walang kapantay ang pagmamahal ko sa kanila.








    I'M PROUD TO BE THE DAUGHTER OF MR. AND MRS. SABANGAN !!!!!


    THANKS FOR ENLIGHTENING MY MIND AND OPENING MY EYES IN THE REALITY OF LIFE MAAM. BANIQUID !!!!!KEEP UP YOUR VERY GOOD JOB IN INSPIRING THE HUMANITY WITH THE USE OF YOUR POEMS SIGNED WITH LOVE,HOPE AND DIGNITY !!!

    ReplyDelete
  10. Dapat po natin igalang ang ating mga magulang at dapat rin po natin sundin ang kanilang mga payo upang lumaki ng tama at mabuti.At dapat tumbasan natin ng magandang sakripisyo ng ating mga magulang at dapat hindi tayo sumasagot ng pabalang sa ating mga magulang.Sinasabi rin po dito na dapat hindi minamadali ang pagtanda lalo na pagdating sa pag-ibig.
    :)

    ReplyDelete
  11. Akoy maraming natutunan sa nilalaman ng tula na ito. Para po sa akin ay kailangan nating mahalin ang ating mga magulang katulad ng pagmamahal na pinararamdam nila sa atin .Kailangan natin silang respetuhin at galangin .Palagi din nating sundin ang mga payo nila dahil lahat ng magulang ay hinahangad ang makakabuti para sa kanilang anak,kaya nararapat lamang na respetuhin at galangin ang mga magulang para maparamdam natin sa kanila ang ating pagmamahal.

    ReplyDelete
  12. Ang maganda nito ay ang pag-alaala noong ikaw ay bata pa,kung ikaw ay mabuti at masaya ang inaalala mo at ikaw ang may tamang lakas,bilis at liksi kaysa sa mga matanda.
    Ang masama nito ay ang di sumusunod sa magulang at pagiging pasaway.
    Alahanin niyo ang magandang araw noong bata ka pa.
    Dapat sumunod ka sa magulang mo at mahalin ang magulang mo para sa hinaharap na kung ikaw na ang magulang ngayon ganon din ang ibibigay ng anak mo.

    ReplyDelete
  13. Hanggat kami ay bata pa wala kaming alam kung hindi maglaro at magsaya . Kailangan nating respetuhin at sundin kung ano ang utos o gusto ng ating mga magulang upang hindi tayo malihis ng landas . Huwag ka muna maghangad ng iyong nais bagkus ikaw ay mag - aral at magtrabaho para makuha ang iyong gusto .

    Mahalin mo ang iyong mga magulang ng walang pag aalinlangan para mahalin ka rin nila ng buong buo at para hindi narin mapariwara ang iyong hinaharap .

    ReplyDelete
  14. Lubos po akong naantig sa tulang “Dahil Bata Ka Pa” dahil parang nakikita ko ang sarili ko sa mensaheng hatid ng tula. Sa pagbasa ko po ng tula, mas lalo kong naisip na talagang dapat pahalagahan ko ang aking mga magulang dahil sa bawat payo at mga saway nila ay hangad nila kung ano ang mabuti para akin.
    Naantig din po ako sa linyang
    “'Wag munang pasukin ang larangan ng pag-ibig”
    dahil po sa panahong ito, maraming kabataan ang nagmamadali sa pag-ibig ngunit marami ang hindi nagtatagumpay dahil nga sa masyado pang musmos ang aming mga puso’t isip para sa mga bagay na ito.
    Sa munting tulang ito ay napakarami ko pong natutuhan kaya ito ang napili ko upang gawan ng repleksyon.


    #ayracarmona

    ReplyDelete
  15. ang ganda ng tula
    super inspiring to all chidren
    sana po ma'am marami pa po kayong tula na magawa !


    #12ronniechica

    ReplyDelete
  16. ang ganda po ng tula at sana maiparinig o maibahagi po natin to sa iba pang mga bata..

    kailangan po nilang marinig ito
    at ma intindihan..nila

    para mamulat sila sa katotohanan na

    masaya maging bata..

    yun lang po sa akin..


    TNX po...

    BY:RIENIEL FAUSTO

    GOD BLESS

    ReplyDelete
  17. ma'am napaka ganda po ng inyong tula! super successful po siguro ng pakiramdam nyo nung nagawa nyo po itong tula ninyo.. tula! sapagkat ito po'y naka antig sa aking puso! naka relate din po ako kahit konti sa tula na ito...! naka relate po ako sa line na. Matabil mong dila at pagsagot ng pabalang
    Ugaling kasumpa-sumpa't walang paggalang.


    aaronbrixbagang..

    ReplyDelete
  18. hindi po dapat minamadali ang pagtanda enjoy ur childhood

    ReplyDelete
  19. Napili ko po ito dahil sa lahat po ng tulang nabasa ko, ito po yung nakapagbigay linaw sa isip ko tungkol sa mga bagay na ginagawa ko sa araw-araw. Dahil po sa tulang ito parang nasasalamin ko po ang sarili ko, dahil ang nilalaman ng tulang ito ay tungkol po sa mga paguugali na meron ang mga kabataang tulad ko. Gaya po ng pagsagot ng pabalang sa mga magulang, alam naman po naming masama pero hindi lang po nmin mapigilan, pero ng dahil sa tulang ito , naliwanagan po ako na ang mga payong sinasabi ng aming mga magulang ay para rin naman po sa amin upang maituwid po kami sa mga pagkakamaling nagagawi namin. Isa rin po sa mga natutunan ko sa tulang ito ay yung wag po tayong magmamadaling tumanda dahil isa po sa pinakamasayang parte po sa buhay ay ang paggiging bata. Yung tipong walang problema, puro lang laro at aral ang ginagawa natin. At wag din po tayong magmamadali sa usapang pag-ibig dahil ang pagibig ay kusang dumarating sa buhay natin, di naman natin kaylangang hanapin darating yan sa tamang oras, ang kaylangan lamang nating gawin ay ang maghintay. At dapat din po ay wag po masyadong matapang dahil hindi lahat ng bagay at tao ay kaya natin, maaring kilala natin pero hindi naman nating alam kung ano ba ang tunay na ugali ng mga taong nasa paligid natin. Maaaring ang ating pagkakakilala ay isang mabuting tao pero hindi natin alam na baka may itinatagong masamang ugali. MARAMING SALAMAT PO MA'AM BANIQUID DAHIL INANYAYAHAN MO PO AKO SA WEBSITE NA ITO. SANA PO AY MARAMI PA PONG ANG MAKABASA NG MGA TULANG GINAWA NIYO AT MAUNAWAAN PO NILA ANG NAIS MONG IPABATID SA BAWAT TULANG INYONG GINAGAWA.

    ReplyDelete
  20. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  21. This Article , Isa sa mga Insprirational, lahat nman po Inspirational kaso ito po yung Tumatak sa Isip ko. ewan ko. siguro Dahil NakakaRelate at Teenager po Ko. Itong tula po na ito ay Magandang Itatak sa Puso't Isipan ng mga Kabataan para sagayon , Walang Mga Batang Nalilihis ng Landas. Ang Pagbibigay ng Payo o Pag sermon sa aking Kapwa bata ay Nakakabuti Sapagkat , Kung Bata ka palang Nadisplina kna ng Maayos , Hanggang pagtanda mo Dala Dala mo Kung paano ka Makitungo sa Sarili mong Ina. So ang ibang Tao mas madaling Makibagay sayo. At Normally sa mga Teenager Maagang Nag aasawa Dahil Siguro sa Mga nakikita nila na mga bagay bagay na AKala nila Madaling Mag aruga na dati rati'y siya mismo ang Karga-Karga. We should Enjoy our Childhood Days. Seryoso po , Mas Maganda po sanang Maging Bata ka nlang Habambuhay? Kase po Bata = Walang Problema. Bata = Puro Saya. Pero Sa tingin ko po , Pag dating ng mga Bagay na May mga Struggles manghihingi ka pa rin po ng Saklolo diyan sa Sandalan mo which was mga Parents mo. Salamat Nagkaroon ang Katulad kong Studyante na Magbigay ng Sariling Opinyon sa mga gantong Article po. <3

    "We all hate it when we're joking around with our parents and then it turns into a life lesson."

    ReplyDelete
  22. Ang masasabi ko po bagay na bagay sa aming mga kabataan, ang tula na ito. Tama po kayo dapat hindi namin minamadali ang pagtanda sapagkat darating at darating din kami sa punto na iyon at dapat hindi namin sinasayang ang panahon sa kung ano-anung bagay lalo na ang pag-ibig, higit sa lahat dapat minamahal at ginagalang namin ang aming mga magulang.Salamat po at lagi ninyong pina paalala ang tama at maling gawain ...Sana po makagawa pa kayo ng maraming tula. Sa mga tula po niyo may narialize po kaming mga kabataan .....God bless ....and more power ...




    Charlene Santiago.....

    ReplyDelete
  23. Napili ko po itong Dahil bata ka pa dahil nakakainspire sa mga kabataan.At hindi naman dapat minamadali talaga ang pagtanda dahil marami pa po tayong gawin sa ating kabataan. Sabi nga nila maikli lang ang ating buhay kaya sulitin na natin ito.At marami pa po tayong hindi naiexperience sa ating kabataan na maaaring makatulong sa ting pagtanda.At kailangan mo ring maranasan umibig pero hindi agad-agad sa tamang panohon pag handa kana.At sinasaad din dito sa tula na dapat iginagalang ang ating magulang at sinusunod ang kanilang inuutos.At makinig lagi sa magulang sa kanilang paaral dahil ito'y nakakabuti naman sa atin.Salamat po sa super inspirational na tula na ito at sana po ay hindi kayo tumigil sa paggawa ng magandang tula... GODBLESS...

    ReplyDelete