Bago magsalita 'sanlibong mag-isp
Himaymayin ng paulit ulit
Baka sa iba ikaw ay makasakit
Daig mo pa wala sa sariling bait.
Kung di makakatulong 'wag ng sabihin
Baka hindi matanggap at di maatim
Sa paligid mo baka sila'y manimdim
Sa dila mong tila hinasang patalim.
Hindi naman kabawasan sa iyong pagkatao
Kung nais sabihin ang sadyang totoo
Ngunit bigyan lang sana kahit kunting respeto
Ang damdamin ng abang kapwa mo.
Ilagay sa lugar ang pagiging prangka
Kung ito'y di nakakasakit sa iba
May kapintasan man ay tao parin sila
Na dapat mong tingnan,katoto kong sinta!
Tama ang mga nakalagay sa tula kasi d lahat ng tao kinakailangan pintasin agad kung hinde pa nakikilala. Kya daig pa yung parang wala sa sariling bait at pinapahalagahan lang yung sarili.
ReplyDeleteKailangan di dapat mapagmataas .
Tingnan muna yung sarili bago husgahin ang iba
bago ka mamintas ng kapwa mo tingnan mo muna yung sarili mo, meron kasing mga taong panlabas na anyo lang yung tinitignan, may kasabihan ngang "DON'T JUGDE THE BOOK BY IT'S COVER" hindi kasi lahat ng tao ehh sa panlabas lang maganda merong taong ang ganda nga panget naman yung panloob , at dapat hindi sa lahat ng pagkakataon kaylangan mong maging pranka sa lahat ng taong makakaharap mo o kaharap mo .
ReplyDeletewow ! ganda ng tula mam .