Nakakapagod din ang lageng nakamotor
Binabalanse ng dalawang gulong
Sa ulan man o sa bagyo laging sinusuong
Marating lang yaong destinasyon.
Ayoko na ng pasingit-singit
Doon sa lansangan sa gitna ng init
Stress ang abot sa ulo'y masakit
Kahit pa nga suot ang helmet.
Kung magkaminsan busina nya'y paos
Babalang di marinig ang tunog
Sadyang ang hirap iwasan ng lubos
Banta ng aksidenteng hindi matalos.
Dadalawa kong gulong minsan isa'y "flat"
Maipa-vucanize man ay di parin sapat
Hay naku,kailan kaya matutupad
Pangarap kong gulong magiging apat?
Kailan kaya makakahawak bilog na manibela
Sa driver's seat may "clutch" sa paa.
Prenteng nakaupo't naka aircon pa
Ulan man o araw di na alintana.
Gulong kong dalawa sana'y maging apat na
Nang di na tinitiis alikabok sa kalsada
May pinto at bubong at protektado pa
Mula sa sakit ng pabago-bagong klima.
Ito pa ang napili ko dahil sa tingin ko po na ang ginawa ninyong tula ay nagpapahiwatig na ang pagiging matiisin sa lahat ng bagay ay nakatutulong sa pag-abot ng inyong pangarap malaki man o maliit.
ReplyDeleteSa tingin ko rin po ay nakakabuti ito sa mga magbabasa para magkaroon sila ng inspirasyon na maging matiisin sa anumang bagay na kanilang ninanais.....
Natutunan ko po dito na ang pagiging masipag at matiisin ang susi sa iyong mga hangarin.Sabi nga sa isang kanta na libre lang mangarap,managinip ka habang gising!...
Sa pagtatapos po ng comment ko ay nagpapasalamat ako sa inspirasyonal ninyong tula na ginawa..Sana po ay matupad na ang inyong pinapangarap na apat na gulong....
Nag-iiwan rin po ako ng isang kasabihan na
"Kapag may tiyaga,May nilaga!"