Bawat sandali sa buhay ng tao
Lumalakad minuto’t Segundo
Huwag sayangin bawat lakas mo
Habang bata’t malakas ang buto
Magtanim ng mabuti sa puso
Sapagkat ‘ika nga sa kantang tanan
Minsan lamang tayo daraan
Sa mundong puno ng panlilinlang
Kaya’t ang mabuti, gawin na ngayon
Sa nangangailangan dapat tumugon
Mata’y ibukas at wag maging bulag
Sa kapwang hikahos at naghihirap
Sa pagkain at sa yaman ay salat
Sa kaginhawahan sila’y hubad
Tumindig ka’t ialay ang palad
Sa kanila’y ipadama ang paglingap.
Gawain ng isang tapat na alagad
Sa kabutihang nagawa’y wag maghangad
Hayan mong Siya ang maggawad
Sapagkat Siya lamang ang tapat na Hukom
Sa iyo’y huhusga sa dako pa roon
Sa pagtatapos ng iyong misyon…
No comments:
Post a Comment