Saturday, October 8, 2011

Pilipinas, For Sale?


Sa aking pamamahinga aking napanood
Patalastas sa tv masakit sa gulugod
Katotohanang sadyang nakakalungkot
Yamang likas natin ay hinahakot.

Bakit naging talamak yaong bentahan
Sa giliw kong perlas ng silangan
Tila produktong naging pakyawan
Mga ganid na negosyanteng dayuhan.

Pati mga isla ginawang pribado
Ng mayayamang sagad sa buto
Pagkagahaman sa salap at ginto
Sa likas na yaman natin sila'y berdugo!

Pati kabundukan 'di rin pinatawad
Kinalbo't ginawa na ding patag
Lupa'y isinakay at doon inilayag
Magkamal lang ng salapi sa mga dayuhang kumag!

Kilala tayong sagana sa coral reefs
Sa asul niyang dagat at sa isda ay hitik
Buong mundo pa nga sa ati'y naiinggit
Ngunit pinagkakitaan lang ng mga walang bait.

Kung magpapatuloy ganitong kalapastanganan
Bayan kong isinadlak sa kalakalan
Wala ng paggalang sa ating inang kalikasan
Ano na kaya ating magiging hantungan?

Masakit isiping 'Pilipinas,For Sale?
Damdaming pinoy sadyang nakapanggigil
Huwag sanang magtagal yaring hilahil
Yamang likas maubos at makitil.






6 comments:

  1. Sadya akong nalungkot sa tulang ito na aking nabasa . Sapagkat hindi ko matanto na ang bansang aking kinalakihan ay ibinibenta na ang mga likas na yaman sa murang halaga . Masakit isipin na ang ating bansa ay magiging pag-aari na ng ibang tao at ang masaklap doon ay mga dayuhan pa sa mga darating na panahon . " PILIPINAS FOR SALE " ? hindi naman ata tama ang ibenta ang sariling bansa o yaman nito kapalit lamang ng salapi . Sapagkat napakayaman ng Pilipinas sa mga likas na yaman , kung tutuusin maraming pakinabang ang ating mga likas na yaman na talagang makakatulong sa ating pang-araw-araw na pamumuhay .
    Ating mga pribadong lupain ay ngayon pag-aari na ng mga negusyanteng dayuhan ? Para sa akin maaaring yumaman ang ating bansa sa pamamagitan lamang ng sarili nitong mga likas na yaman . Hindi na kailangan ang ibenta pa ang mga yaman nito at mga lalawigan o pribadong lupain para lamang magkaroon ng pera . Kung ating pagtutuunan ng pansin ang ating bansa , masasabi kong napakalaki ng tulong nito . Dahil maaari natin itong magamit bilang negosyo tulad ng pagkakaroon ng " tourist spots " at pagbebenta ng mga pagkaing likas sa ating bansa na sadyang makatutulong sa pag-angat ng ating ekonomiya . Hindi naman sa ipinagdadamot natin ang Pilipinas , nakakalungkot lamang isipin na darating ang araw na ang buong bansang Pilipinas ay pag mamay-ari na ng ibang bansa . At ang mga Pilipino ay wala ng karapatan sa kanilang bayang sinilangan .



    ! I LOVE PHILIPPINES ! MABUHAY!! XD

    ReplyDelete
  2. Nanaig ang aking pagiging pilipino nang mabasa ko ang tulang ito Hindi ko sukat akalain na magagawa ito ng ating mga kababayang pilipino.Nakakalungkot isipin na magagawa ito ng ating mga kababayan.Ipinagbibili nila ang likas na yaman ng pilipinas para lang sa kanilang kapakanan.Hindi ko alam ang aking naramdaman ng mabasa ko ang tulang ito,may halong galit at lungkot dahil sa ginawa nila.Wala man lang permiso na naipakita sila na nagpapatunay na pwede nilang ipagbili ang mga yaman ng ating bansa.Natatakot ako na baka isang araw ang bansang pilipinas ay hindi na para sa mga pilipino kundi pagmamay-ari na ng mga dayuhan.Wala silang karapatan na ipagbili at gamitin sa kung anu-ano ang likas na yaman ng pilipinas.


    tandaan natin na ang Pilipinas ay para lamang sa mga Pilipino at hindi kung kani-kanino......
    "Ibinigay ang Pilipinas hindi para ipagbili at gamitin sa kung saan-saan bagkus ito ay dapat mahalin at pangalagaan."

    ReplyDelete
  3. Nakakainis mang isipin na ang ating bansa ay ipinagbibili lang sa mga dayuhan.Paano nalang kaya tayong mga pilipino? .Ang mga dayuhan lang naman ang mga nakikinabang sa likas na yaman ng pilipinas na ating pinag-iingatan.anu pa't ating pag-iingatan ang likas na yaman sa ating bansa kung hindi naman tayo ang makikinabang nito..Makikinabang lamang ng mga likas na yaman yung mga mayayaman at mga dayuhan na may sapat na salapi upang biln unti-unti ang ating bansa.Anu pa't binoboo natin ang mga mamumuno sa atin kung pakitang tao lang naman sila at isa rin naman sila sa nakikipag negosyo sa mga dayuhan upang ipagbili o ipag palit ang pilipinas sa pag babayad sa utang ng pilipinsa sa mga dayuhan at syempre upang magkaroon rin sila ng porsyento.Paano na tayong mga pilipino,papayag nalang ba tayo na maulit na sakupin at kontrolin tayo ng mga hindi natin kadugo at hindi natin kalahi? .Saan tayo pupulutin sa kangkungan habang ang mga dayuhan ay nagpapakasarap sa pag gamit sa ating mga likas na yaman?
    . nilikha ng diyos ang likas na yaman upang alagaan,pagkunan ng pagkain at ingatan para sa susunod na henerasyon.. kung wala ng matitira paano pa kaya ang ating mga anak, mga apo at sa mga susunod na henerasyon baka di na nila maramdaman ang preskong hangin dahil sa unti-unting pag ubos sa mga ito upang gawing mga iba't ibang produkto,wala ng malinis na ilog na paglalanguyan at pag kukuhanan ng maiinom.Lahat tayo ay umaasa sa kapaligiran pagkatapos ang mga dayuhan lang pala ang makikinabang,, oo, nasa punto na tayo na wala sa ating mga mamamayang pilipino ang kapangyarihan, ngunit kailangan nating magkaroon ng hakbang upang mapigilan ang pag kasira ng mga ating lias na yaman tulad nalang ng pagmimina na nagdudulot ng pagka kalbo ng mga bundok na magiging sanhi ng landslide na magiging snhi rin ng pagka patay ng mga maraming pilipino....tulad nalang ng aking ulat sa araling panlipunan ang rebelyong boxer at ang rebelyon tai-ping..tulad din ng mga tsino nais natin ng kapayapaan at kalayaan ngunit alam naman nating hindi natin kaya ang mga pwersa ng mga dayuhan dahil hamak na mas malakas at mas magaling sila sa pakikipag laban ngunit dapat ay gumawa na ng paraan ang nakakataas at unahin munang solusyunan ang mga panloipunang problema at hindi ng sarili nilang problema tulad nalang ng pagpapatalsik kay CHIEF JUSTICE CORONA bakit hindi nalang sila magtulungan upang paresolba ang mga iba['t ibang problema sa pilipinas tulad nalang ng pag tataas ng mga bilihin kasabay pa ang pagtataas ng langis at isa pa ang pagkalubog sa utang ang pilipinas,..

    .. ang mga makikitid lamang ang mga utak ang pinagbibili ang pilipinas sa mga dayuhan dahil puro salapi at puro sarili nila ang kanilang iniisip..
    .. halos puro dayuhan ang mga nagmamay-ari ng mga lupain dito kaya
    halos wala ng lugar sa pilipinas ang mga ppilipino....

    .. may pagka uto-uto nga tayong mga pilipino ngunit ito ay mapipigilan sa pamamagitan ng pagbukas ng ating isip sa kung anu-ano na ang mga nangyayari sa ating kapaligiran...
    .
    .
    .
    .
    . kalayaan ang kailangan ng bansang pilipinas
    .
    .
    .pilipino dapat ang makinabang sa ating inaalagaang likas na yaman.....
    ....
    ....
    ...
    ... trudis :) :) :)
    .
    .ronalyn manuel II-AGAPE

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Bakit ganun hinde natin na lalaman kung ano ang pinag-gagawa ng ibang tao sa atin mga likas na yaman .Tayo dapat ang makinabang at mapayabong upang ang ating bansa ay umunlad.Pagandahin natin ang bansang pilipinas para dayuhin ang ating bansa.

    ReplyDelete
  6. Ano pang pag-asa ng bayan kung ubos na ang kalikasan?"
    "in spite of climate change, patuloy nating winawasak ang ating
    kalikasan"
    "kapag ang kalikasan ang naningil mahirap ng maagapan".
    Para lang tayong mga langgam na iipunin sa isang tabi atitatapun kung saan saan".

    Pagkatapos kong basahin ang tula na ito nakaramdam ako ng awa
    sa sarili kong bansa .Masakit man isipin na sarili natin bansa
    pinagkakakitaan ng kung sino-sino mga pocho pilatong mga dayuhan na yan .Ang masaklap pa rito mga mismong kapwa nating mga pilipino ang nagbebenta ng likas na yaman ng bansang pilipinas para mga dayuhan ...

    ....
    Kung napanood nyo ung documentary ng reporter's notebook sa channel 7. What can you say about it? They sell the island,
    then quarry inexport sa abroad...Paano na ang mga katutubo at
    ang mga susunod na henerasyon pati na ang bansa natin....
    Ayokong isipin Pagdating ng panahon pag nag ka anak na ako
    makikita pa kaya nila ang ganda nang pinagmamalaki ng isang
    bansang pilipinas sa perlas ng silanganan .

    Akin natanto sa akin sarili sino ang nagbigay ng permiso
    para ang Perlas ng Silanganan pagkakitaan ng kung sinu-sino?

    sigaw ng kalikasan

    Kailan pa ba
    Makakaranas ng ginhawa
    Kung ang bawat isa'y
    Walang pagmamahal sa kapaligiran.

    Wala na bang katapusan Puro hirap ang ating nararanasan
    Kapaligiran. Patuloy pang mawawasak ano ang gagawin at kanino dapat umasa wala na bang katapusan Puro hirap ang ating nararanasan Kapaligiran Patuloy pang mawawasak. Ano ang gagawin
    at kanino dapat umasa?

    ... "sigaw ng kabataan"
    kung ako ay may kapangyarihan ang gusto kong klaseng kapangyarihan ay maibalik ang ganda ng atin bansang pilipinas.

    .
    .
    .moii like it !!!
    .

    I SAY I LOVE PILIPINAS
    NOT FOR SALE .GETS ...


    Maria.Edlin Benitez
    ll-colossians

    ReplyDelete