Wednesday, October 19, 2011

Estudyanteng Sugatan


Papasok na naman sa paaralan
Umagang sikmura ko'y kumakalam
Kapeng malamig ang laman ng tiyan
Di alintana 'wag lang magalit si mam.

Ngunit batid kaya ni Mam mga dinaranas ko?
Bakit laging tahimik doon sa bandang dulo,
Di naman pwedeng isigaw sa mundo
Na kahit bata ako din ay bigo.

Kung napapagalitan man dahil maingay
Sa inyong klase at madalas pasaway
Dahil lumaki akong walang gumagabay
Bata pa lamang hiwalay na sila Itay at Inay.

Noong ako ay ma-drop out at naging tambay
Dyan sa kanto pasimuno ng away
Ngunit kahit ganon puso pa rin ay dalisay
Nais parin makabalik sa 'yong mga kamay.

Puso'y nagpupuyos at nagrerebelde
Pagkat sa aki'y walang umuunwa't umiintindi
Walang ginawang tama,lagi na lang nasisisi
Kaya't halos ayoko ng pumasok sa klase.

Minsan kang nakita sa akin ay nagalit
Pagkat project sa iyo'y naipasa ko ng late
Hindi mo ba alam sa pera kami ay gipit
Nakaratay pa ang patpating inang maysakit.

Alam mo ba nung minsang ako'y tinawag mo
Sa gitna ng talakayan ako'y pinatayo
Wala akong nasabi pagkat ako'y tuliro
Puso kong bata'y pinaglaruan at niloko.

Kahit itago ko sa aking pagkabungisngis
Ang pagtawa't paghalakhak ko ng labis
Hindi nyu ba alam ang ikinukubli kong hapis
Sa murang edad tatlong buwan nang buntis.

Ngayon Ma'am,inyo na pong nalaman
Katotohanan sa likod ng mga matang malamlam
 Maraming estudyanteng may pait na pinagdadaanan
Hiling ko lamang na 'wag kaming husgahan..

Kailangan kita,kailangan ka namin, Ma'am!
Huwag mo naman sana kaming pabayaan
Ang palad mo ang siya naming kanlungan
Sa tulad naming may mga pusong sugatan...

20 comments:

  1. mas swerte rin pa pla ako kaysa sa ibang bata dyan ..may lmn ang tiyan pagpumapasok sa paaraln ,,may baon pang binibigay ni inang mahal

    kung minsan man ay napapagalitan ni maam sa oras ng talakayn huwag mong icipi na ikaw n lng kagi ang pinag iinitan dahil ang guxto lng nmn nila ay umuwi kang may lamn ang isipan

    sa mga batang ganito ang kalagayn huwag icipin ang hirap ng buhay bastat lging nyong tandaan may diyos na gumagabay hanggat tayoy nabubuhay

    ReplyDelete
  2. ang lhat ay totoo msrap s pkrmdam n me taung nkkintindi sau na ktulad ni mamm!

    ReplyDelete
  3. sna mrming taong ktulad ni mamm na naiintindihan ang klagayan ng mga estudyante

    ReplyDelete
  4. May mga batang nasakanya na ang lahat pero hindi niya pinahahalagahan, May bata naman na gustong mag aral dahil sa kahirapan kaso dahil na rin sa kahirapan minsan may mga estudyante na napipilitang sumuko na lang. Pero sana kahit na mahirap ang isang estudyante ay ipaqpatuloy parin ang kanilang pag aaral dahil sa pamamagitan ng pag-aaral makakamit nila ang kanilang pangarap na mag-aangat sa kanila sa kahirapan.


    May tutulong sa atin upang makamit natin ang ating mga pangarap sila yung tipo na hindi susuko upang mabigyan ng kaalaman sa ating magaaral at sila ay ang mga GURO , mga mababait na guro, na handang tumulong sa kanilang mga estudyante kaya sa lahat ng mag-aaral sa malinta nat'l highschool pati na rin sa ibang paaralan waq kaung mawalan ng pag-asa.

    ReplyDelete
  5. Buti na lng po at may gurong ka2lad nio maam na nakakaalam ng mga nararamdaman ng mga estudyanteng hirap sa eskwelahan at maging sa pamilya sana po maam ay marami pa po ang ka2lad niong umiintindi sa mga mag-aaral na pinang hihinahaan ng loob sa buhay, at pagaaral ...

    ReplyDelete
  6. Ako'y lubhang nalungkot sa tema ng tulang ito lalo na nung nabasa ko ang mga hilahil sa buhay ng isang musmos na bata. Sa murang edad, siya pala ay napagsamantalahan na at ang masaklap pa dito ay naghihirap na siya pati na ang kaniyang pamilya.Nakakaawa mang isipin ang realidad ng buhay, marapat nating pagtiisan ang pait upang sa bandang huli ay makamtam ang tagumpay na inaasam ng bawat indibidwal.

    Kaya tayong mga kapwa mag aaral, laging makinig sa payo ng ating mga guro. Marahil paminsan minsan ay nasusumbatan nila tayo, napagagalitan o anu mang masama na ating ikinatatampo ngunit ang kanilang mga payo ay nakabubuti para sa ating lahat.

    Dapat nating ipagpunyagi ang ating mga dakilang guro! Sila ang magdadala sa ating kasaganahan at tagumpay na hinahanap-hanap. Kung wala sila, siguro karamihan sa ating mga kabataan ay napariwara ang buhay.

    Kaya ngayong nabasa ko ang tulang ito, ako ay magbabago. Lahat ng payo sa akin ng aking mga minamahal na guro ay aking susundin. Hindi sila susuwayin at malugod na tutulungan sa lahat ng gawain.

    MAHAL NA MAHAL PO NAMIN KAYO <3 IPAGPATULOY PA PO SANA NINYO ANG PAG-AARUGA SA AMING MGA KULANG SA KAALAMAN NA MGA ESTUDYANTE.


    ~Florentino

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang aking komento para sa tulang ito ay:
      tama po kayo!!!! na kailangan po talaga ang guro na magiging simbolo ng pangalawang ama't ina!!!!!

      ang guro ang magiging tagasubaybay,tagagabay,tagasuporta at higit sa lahat ay handang magmahal sa mga estyudynteng salat sa pagmamahal ng kanilang mga magulang!!!

      hindi lahat ng bata ay mayroong magandang buhay dito sa mundong ibabaw!!!!!marami ang di nakakaalam ang tunay na ating dinaranas at pinagdadaanang mga problema !!!!!!

      kasi isa na sa dahilan niyon ay ang pagtatago ng mga hirap at sakit na ating dinadanas!!!!!natatakot tayong magpakatotoo!!!!kasi baka sabihin lang nila na wala silang pake alam sa inyo!!!! at sasabihin din nila na may sarili din silang problema at suliranin na kailangang gawin!!!!! kaya mas minabuti nalang na itago at damdamin ang masasakit at masasaklap na pangyayari sayo!!!!

      SA kalagayan nito,, minabuti nalang niya ang mapag-isa, ang maging isang di kapaki-pakinabang ang parang di na alam ang GMRC at wala na katinuan!!!!!!

      kaya hanggang ngayon para sa kanila ang tanging ang MASIPAG AT MAPAGMAHAL NA GURO ANG Kailangan ng mga taong kagaya niya na agad nawalan ng pag-asa,katinuan at kagandahang asal!!!!!!!!!


      jennylyn^_^

      Delete
  7. Mas swerte rin pa pala ako kaysa sa ibang bata dyan.May laman ang tiyan pagpumapasok sa paaralan,may baon pang binibigay ni inang mahal.

    ReplyDelete
  8. Ang pag-aaral sa eskwela ay masarap sapagkat dito ka makakakilala ng mga taong totoo at plastik sinungaling at hindi, mga taong tahimik at maingay at siyampre mga kaibigan.Kung ikaw ay nakakapag-aral ay magpasalamat ka sa diyos dahil hindi lahat ng tao ay nakapagaaral kaya tapusin muna ang pag-aaral.

    Ang mga guro ay ating nagging pangalawang magulang sila naman ay pwedeng kausapin at ikwento ang mga problema sa buhay sila rin ang mga nagbibigay ng ating kaalaman.Sila naman ay ating suklian igalang natin sila katulad n gating pagalang sa ating mga minamahal na magulang.


    - iverson :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakalungkot mang isipin na kahit estudyante pa lang
      marami ng pagsubok ang napagdaanan.di lang sa paaralan kundi sa tahanan at sa pamilya.
      Hindi ko blubos maiisip na sa likod ng mga tawa at ngiti ng isang tao ay meron palang sakit at hirap na nararamdaman.
      Ang pagpasok sa mundo ng pagiging isang estudyante di naging madalisapagkat sa bawat araw na nagdaraan ay may mga karanasang magbibigay sa atin ng saya at kung minsan ay lungkot.May mga taong tayong makikilala na maari nating maging kaibigan at karamay.
      Bilang isang estudyante, masakit isipin na sa mga pagkakataong kailangan natin ang mga magulang ay wala sila.
      Ang mga kasalanan ng mga magulang,mga anak ang nagbabayad at nagdurusa para sa mga ito.Bilang isang magulang,responsibilidad nila na pangalagaan at subaybayan ang kanilang mga anak upang di maligaw sa kanilang landas.
      Para sa mga estudyante,paaralan ang nagsisibi nilang pangalawang tahanan at doon nila makikilala ang kanilang mga pangalawang magulang.
      Pumapasok ang mga estudyante sa paaralan hindi lamang para matuto kundi para rin makahanap at makatagpo ng mga taong makakaintindi at makakaunawa sa kanila gya na lang ng mga guro,na magbibigay sa kanila ng payo at inspirasyon sa buhay.At higit sa lahat upang mahanap at maramdaman ang pagmamahal nakanilang kailangan na hindi nila nararamdaman
      sa kanilang tahanan.



      kaya po.............
      sana sa laht ng nakabasa nit5o sa matutuhan natin sa tulang ito ang mga aral na nais ipabatid nito.Sana huwag po tayong mahuhusga agad.kilalaninin po muna natin sila bago tayo manghusga...............



      Earl Marie 02>

      Delete
  9. Kaya tayong mga kapwa mag aaral, laging makinig sa payo ng ating mga guro. Marahil paminsan minsan ay nasusumbatan nila tayo, napagagalitan o anu mang masama na ating ikinatatampo ngunit ang kanilang mga payo ay nakabubuti para sa ating lahat.

    ReplyDelete
  10. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  11. Ako'y natutuwa sa nais iparating ng tulang ito dahil nagagawa nitong maayos ang ating buhay.pero nalulungkot dahil sa mga estudyanteng napapagalitan dahil sa kanilang kasalanan pero sa bawat kasalanang iyon ay may natatagong problema na di magawang sabihin sa kanilang kakilala pero sa tulong ng ating mga guro nagagawan ito ng paraan para masolusyunan mabuti na lang nandyan sila na handang umagapay sa atin.katulad niyo po ma'am.MARAMING SALAMAT SA INYONG PAG-UUNAWA.

    ReplyDelete
  12. Sana marami pang makabasa ng tulang ito.Sana intindihin natin ang mga estudyanteng bagamat magugulo ay may mas malalim pa palang dahilang tinatago lang nila sa kanilang damdamin.Maswerte ako dahil hindi ko nararanasan yan.
    Wag po sana natin pabayaan ang ating pag aaral.Respetuhin natin at wag abusuhin ang kabaitang ipinapakita ng ating mga guro.Wala naman sanang matulad sa estudyanteng ginamit na karakter ni mam.


    _Arvien_ :)

    ReplyDelete
  13. Buti na lng po at may gurong ka2lad nio maam na nakakaalam ng mga nararamdaman ng mga estudyanteng hirap sa eskwelahan at maging sa pamilya sana po maam ay marami pa po ang ka2lad niong umiintindi sa mga mag-aaral na pinang hihinahaan ng loob sa buhay, at pagaaral ...

    Nakakalungkot mang isipin na maraming mga mag-aaral na may problema sa eskwelahan pera at maging sa bahay ay yan ang realidad ng buhay pero kahit na ganun paman ay sanay wag tayong mawalan ng pag-asa sa buhay. ..


    < [T] [E] [L] [A] [N] >

    ReplyDelete
  14. Lahat ng bata sa mundo ay may karapatan. Masuwerte pa rin ang mga batang katulad ko na nabibigay ang lahat ng pangangailangan sa pang araw araw na pamumuhay. Kaya sana ay pahalaghan natin ang kung anung meron tayo.

    Ang ibang mga bata na hirap sa buhay ay nararanasan ang ganitong sitwasyon kung kaya't minsan ay nawawalan na sila ng pag asa. Maraming salamat sa inyong mga guro! Sa tuwing nalulukot kaming mga estudyante, sa tuwing nagkakaron kami ng problema, mga guro ang nagsisilbing pangalawa naming magulang na gumagabay sa amin mga bata...

    ReplyDelete
  15. Kahit marami tayong problema sa buhay kailangan nating tibayin ang ating loob.Kung may problema tayo sa buhay nandyaan ang ating mga guro upang matulungan tayo kaya sa mga mag-aaral sa malinta ay kailangan nating igaling ating mga guro respituhin at igalang sa bawat oras.Kahit may mamabibigat tayong problema sa buhay kailangan nating magsikap upang makamit ang ating mga pangarap na mag-aangat sa ating buhay.

    ReplyDelete
  16. Para po sakin.kahit na wala na po tayong magulang kaylangan parin po natin mag aral ng mabuti para sa kinabukasan. wag na wag po nating isiping mag rebelde o mag simula ng away kasi masama ang gumawa ng masama. ang ating mga guro ay para natin silang pangalawang magulang kasi sila ang gumagabay satin at itinatama nila ang nagawa nating mali.

    ReplyDelete