Wednesday, October 19, 2011

Masarap Nga Bang Maging Single? (new version for movie making)


Malaya ka sa oras..
Kahit saan mo gusto pumunta,
Kahit anong oras,
Pwede.
Walang pipigil.
Walang magagalit.
Hawak mo ang iyong panahon,
Walang pwedeng magdikta sau.
Ikaw ang boss.
Ikaw ang manager ng buhay mo.
Pero ang tanong nila,
Masaya ka nga ba?
Masarap daw kasi manood ng sine,
ng may kasama..
Mag-food trip na kasama ang minamahal.
Magsimba ng sabay kayong dalawa.
Mag-shopping sa mall na kasama siya.
Mga panahon na gusto mong maglambing.
May magsasabi sa 'yo ng,..
I love you.
Ingat ka huh,
good night at sweet dreams..
Eh paano nga kung talagang wala?
May magagawa ba sila?...
Pero hayaan mo na lang sila.
Huwag ka na lang magpaapekto.
Eh ano ngayon kung single ka..
Ang importante,
Ikaw muna.
Mahalin mo muna ang sarili.
Ienjoy mo muna ang pagiging single..
Huwag kang matakot mag-isa.
Hindi naman sukatan ng kaligayahan,
ang pagkakaroon ng partner..
Kung minsan nga di ba
kapag may partner,
magulo..
masalimuot..
at nakakadagdag ng stress sa 'yo.
Kaya hayaan mo na,
kahit single ka,
malaya naman ang isip mo,
malayo ka sa anumang stress.
Kaya't mabuhay ka ng may ngiti,
ang buhay ay puno ng excitement.
Malay mo isang araw,
Muling kiligin ulit ang puso mo...
 At matagpuan mo na,
Ang taong karapat dapat sa pagmamahal mo..
Huwag ka lang mainip,
Maghintay ka lang...
Damhin mo muna ang pagiging single....

14 comments:

  1. para sa akin masarap maging single hindi tulad ng taken eh maaari ka pang lokohin,hindi tulad ng single hawak mo oras mo at ikaw pa wng magmamahal sa sarili mo,hindi ko naman sinasabi na huwag tayong magmahal basta pumili tayo ng magmamahal sa atin ng tunay at buong puso

    ReplyDelete
  2. masarap maging single kasi magagawa mo yung dimo na gagawa pag hinde ka single kaso nakakalungkot di pagsingle ka kasi wala kang kasama

    ReplyDelete
  3. masarap maging single kasi magagawa mo yung mga gusto mong gawin at walang magbabawal sayo at walng mananakit sa puso mo

    ReplyDelete
  4. Tamah naman , masarap talagang mging single kc lht ng gusto mgagaw mu at wlng gagambala sau . ta kailangan din naman ntng mghntay ng tunay n magmamahal stn kc pamnadli ntn yan bka mgng malunkot ka,msaktan at iba pa kya kailangan ntng mghntay ng tunay n mgmamahal stn at kung wla kng shota be proud kg nalaya k gwn lhat ng gusto.

    ReplyDelete
  5. Para sa'kin ok lang maging single dahil mas walang inaalala kung hindi ang pag-aaral,at mas tamang maghintay sa taong karapat dapat para talaga sa atin kaysa ipilit na pumasok sa isang relasyon na hindi ka pa talagang handa at baka magsisihan natin lang sa huli.Mas masarap ang buhay kung ieenjoy talaga natin ang buhay at samantalahin ang ating pagiging bata para sa ating pagtanda mas marami tayong maaalala sa ating pagkabata.

    ReplyDelete
  6. ..TAMA masarap maging single dahil makakapag concentrate ka sa iyong pag-aaral dahil kailangan natin mag-antay ng oras at panahon para makipag-relasyon dahil kung single walang mananakit sa iyong damdamin at malaya kang gawin ang gusto mong gawin. kya sa mga nagmamadaling maging taken mag antay muna kayo ng time pumili ng taong karapat dapat na mahalin ng iyong puso upang sa bandang huli ay hindi ka masaktan... kaya sa mga single, "BE PROUD TO BE SINGLE".

    ReplyDelete
  7. AGREE. po akong masarap maging single kasi po walang magdidikta sayo walang mangengealam sayo tska po kapag single ka po lahat po magagawa mo lahat makukuha mo eh kapag po nagmahal ka yung mga gusto mong gawin eh hindi mo po magagawa kasi pagbabawalan ka ng mahal mo tska ang pakiramdam daw po ng may mahal ehh makakaradam ka daw po ng saket at selos kaya naman po may oras na mag aaway kayo na hindi naman dapat a mag away kayo maliit na bagay pinag aawayan pa kaya po sang ayon ako na masaya pong maging single :))

    ReplyDelete
  8. masasabi ko na masaya din naman ang pagiging single kasi nga sabi dun sa tula magagawa mo ang lahat,walang pwedeng magdikta sayo,malaya ka,tyka kung may gagawin ka man hindi mo na kailangan magpaalam kasi nga single ka. tyaka hindi porket na single ka wala ng nagkakagusto sayo o panget ka, pwede kasing isang dahilan kung bakit mas pinipili nilang maging single isa na nga rito yung hindi pa sila ready sa pakikipag-relasyon o di kaya mas gusto nilang pagtuunan ng pansin yung kanilang pag-aaral o di kaya yung kanilang pamilya pero hindi lahat ng single ay masaya sabi nga sa tula mas masarap daw kung may kasama ka sa panunuod ng sine sa foodtrip o kaya pag sa simba. kaya minsan yung mga ibang single naiingit sila sa may mga magkarelasyon at hindi sila minsan masaya sa pagiging single nila. pero para sa akin mas maganda ang pagiging single kasi malaya ka at higit sa lahat walang makakasakit sa damdamin mo.

    ReplyDelete
  9. masasabi ko lng d2 Kahit mali
    ang pag ibig daw kaya mong gawin ang lahat
    kaya mong magsinungaling
    pero kapag nagkaproblema kau
    dagdag din ito sa iyong mga kunsumisyon
    kapag nag away kau
    kapag nag seselos ang bf/gf mo
    makikipag break agad sau
    yun lang

    ReplyDelete
  10. ang sakin lang po..
    ayos lng pong maging single or taken...

    pero kung single ka minsan diba nakakainis na dahil

    yung mga friends mo may mga kasama manood ng sine samantalang
    ikaw wala..

    pero maging single or taken ka man

    lahat ng yan walang kwenta kung wala naman sa puso mo si GOD
    pasensya na kung masyado akong relihiyoso...

    pero sinasabi ko lang ang totoo..

    lahat yan walang kwenta kung si GOD sa puso mo...

    ayos lng naman yan pero magsisisika bandang huli...

    basta...masabi ko lang lagi mong gawin or sundi ang will ni GOD lahat ng matatanggap mo...maganda..


    yun lang po sakin...

    TNX Po BY:JEFFREY MACAPAGAL

    GODBLESS

    ReplyDelete
  11. ang sakin po anu naman kung single ka..hindi naman porket single malungkot na mas masarap nga ang buhay ng single kasi magagawa mo lahat ng gusto mo walang pipiqil sayo...

    ReplyDelete
  12. mas maganda kung single ka kasi wala kang iintindihin,wla kang iisipin.mahalin mo muna ang sarili mo bago ang iba.magagawa mo kung ano gusto mong gawin pero mas masarap kung may nag mamahal sayo,

    ReplyDelete
  13. Kase nagagawa mo yung mga gusto mo walang pipigil sayo walang mag babawal sayo.Wala ka masyadong aasikasuhin , walang problema

    ReplyDelete
  14. masarap maging single kasi kabawasan din yun sa pag gastos hahaha:)

    ReplyDelete