Sunday, November 11, 2012

Desisyon....


Minsan dumarating sa buhay ng tao
Na siya ay naguguluhan at nalilito
Hindi alam kung saan tatakbo
Upang takasan ang magulong mundo.

Kung minsan din siya ay naiipit
Sa desisyong na kanyang naiisip
Ngunit dapat nga bang ito ay ipilit
Kung di maganda magiging kapalit.

Kung sinusubok man kanyang katatagan
Manalig at sumamapalataya lamang
Hindi ang dinidikta ng psuo ang siyang batayan
Upang problema'y kanyang takasan.

Bago gawin,sanlibong beses  isipin
Ang desisyon na nais niyang tahakin
Baka sa huli ay pagsisihan niya din
Desisyong nagawa,di na pwedeng bawiin.

Kaya nga hanggang may oras pa
Mag-isip ng mabuti at tama,
Humugot sa dasal ng  lakas at pag-asa
Upang sa huli ay hindi mapariwara.








11 comments:

  1. Pwede po bang mahiram bawat piyesa ng inyong tulang DESISYON para sa gagawin kong learning activity sheet ng grade 6?

    ReplyDelete
  2. Ano po ang nais iparating na mensahe o tula

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gusto niya pong iparating na kung ika'y magdedesisyon ay syempre kailangan natin ng mabuting pag iisip at hindi lamang ang sasabihin ng puso ang iyong susundin kundi ang kagustuhan rin ng Panginoon..In short,"SIMPLE"😉

      Delete
  3. magandang araw po, ako po ay humihingi ng iyong pahintulot na ako ay payagan sa paggamit nitong iyong napakaganda tula. Akin lamang pong gagamitin sa gagawing GAWAIN SA PAGKATUTO ng aking mag aaral sa ESP 6.

    maraming salamat

    naway pagpalain ka ng Maykapal

    ReplyDelete
  4. Kung maaari pede ko po bang mabiram ang iyong tula para sa aking asignatura sa esp... Kung maaari po

    ReplyDelete
  5. Pwede po pahiram ng tulang ito.kase maganda po

    ReplyDelete
  6. Pahiram po ng tula. Salamat po.

    ReplyDelete
  7. ang ganda po nakakahua ako ng mga hugot para mas lalong pag-isipan ang mga desisyon sa buhay.THANK YOU PO!

    ReplyDelete
  8. Pwede po ba e copy paste to? E popost ko lang po.

    ReplyDelete
  9. Pwede poba hiramin para lg po sa aking assignmnt sa filipino grade 10

    ReplyDelete