Sunday, November 11, 2012

Hihintayin Kita sa Langit


Ikaw ang sa bawat sandali
ang hiling na makapiling,
Gaano man katagal
Itong paghihintay,di maiinip
Abutin man hanggang langit.

'Wag kang susuko aking sinta,
Sapagkat ako ay darating,
Doon sa langit na ating paraiso
Kaganapan ng pag-ibig natin.

Ako'y patuloy na magmamahal,
ito ang lagi kong dinarasal
Kahit lumayo man,
Sa mundong mapaglinlang
Sa pintuan ng  langit sa iyo'y mag-aabang.

Chorus:
Hanggang langit sa iyo'y maghihintay,
(ako ay darating)
Doon lamang maiaalay
ang pagmamahal na nawalay
(sana ay hintayin)
ang ngiting nagbigay-kulay
(ikaw ang aking buhay)
maghahawak ating mga kamay
...........magsasama magpakailan pa man.

Sa ating muling pagkikita
Doon hanggang  langit,
Kailanma'y di na mawawalay pa
Pangako yan mahal na sinta,
Hanggang langit hihintayin kita...

Sa iyong pag-alis baunin mo,
Ang pag-ibig na ipinagkatiwala sa 'yo
Matutupad din ang mga pangako
Doon sa langit darating din ako
At mag-iisa na ang ating mga puso.
    (Repeat Chorus)

......hanggang langit...



The Writer


An empty space comes within
Went to a place where she had been
The heart beats faster,& tears are frozen,
And words could not be spoken.

Some poems cannot be written
It seems like she lost her pen,
And the story goes on with out an end,
Just like the author who hides and pretends.

She has done hundred poems,
A passion for writing as tough as bricks and stones,
But there is a missing piece left at dawn,
Nobody gets it and take it back to the throne.

Shes 's not a a genius like Joyce Kilmer
Nor has a brilliant mind like Geoffrey Chaucer,
She's just an ordinary person with lots of fear,
All brought out through writings,my dear.

Nang Minsang Inibig Ka


Minsan sa nakaraang sa iyo'y nabaliw
Sadyang sa puso ikaw ang nag-aliw
 Kaysaya sa damdamin pagiging magiliw
Tila hanggang wakas,di magmamaliw..

Ngunit lahat nga ay may katapusan
Inakalang  pag-ibig,puno pala ng katamplasan,
Nagtatago sa maamo niyanng kagandahan
Kapalit ay  pait dulot ng kataksilan!

Mula noo'y naramdaman ang sakit
Walang katapusang hapdi at pait
Nagmahal naman ng tapat,ito ang kapalit
Kabiguan ang malaking sinapit..

Naging alipin ng galit at lungkot
Tila bulkang sasabog sa himutok
Tiim-bagang sa hangi'y napapasuntok
Pusong mapagmahal nabalot ng poot..

Hindi na nabilang ang dalas ng pag-iyak
Nagyelo na ang luhang wala nang maipatak
May matalim na punyal sa puso'y itinarak
Buhay niya'y halos muntik nang mawasak.

Ngunit lumipas ang marami pang taon
Sugat sa nakaraan ginamot ng panahon
Pinilit nilimot ang masaklap na kahapon
Hindi na rin nilingap at di na rin nilingon.

Ngyon ay muli kang nakita
Naaalala pa rin ang maamong mukha
Ngunit sadyang hindi na maaalala
Ang pakiramdam na minsang minahal ka..



Sori na,Pwede Ba?


Bakit nagtatampo ang  giliw kong sinta
Hindi kumikibo-nananahimik sa tuwina,
Ni ayaw ipakita malamlam na mata
Baka sa paghibik,bumagsak ang luha.

Hindi ka man magsalita,di mo man sabihin
Dama ko din ang bigat sa iyong damdamin
Kaya nga mahal ko,di ko kayang  tiisin
Ang puso mong nagdaramdam sa akin.

Di ko na nakita malambing mong ngiti
Na nagpapakilig sa akin lagi,
Ngayon ay napalitan na ng hikbi
Ang labi mo ay  nakatikon na lagi.

Pwede bang iyo nang mapatawad
Sa akin ay maawa na't mahabag
Pagsusumamo'y  iyon nang matanggap
Buksan ang puso,tanggapin yaring palad.

Please sori na,pwede ba?
Ngumiti ka naman sa akin ay tumingin ka,
Nang maramdamang ako'y pinatawad na
Nang ang puso ay mapanatag na sinta..




Desisyon....


Minsan dumarating sa buhay ng tao
Na siya ay naguguluhan at nalilito
Hindi alam kung saan tatakbo
Upang takasan ang magulong mundo.

Kung minsan din siya ay naiipit
Sa desisyong na kanyang naiisip
Ngunit dapat nga bang ito ay ipilit
Kung di maganda magiging kapalit.

Kung sinusubok man kanyang katatagan
Manalig at sumamapalataya lamang
Hindi ang dinidikta ng psuo ang siyang batayan
Upang problema'y kanyang takasan.

Bago gawin,sanlibong beses  isipin
Ang desisyon na nais niyang tahakin
Baka sa huli ay pagsisihan niya din
Desisyong nagawa,di na pwedeng bawiin.

Kaya nga hanggang may oras pa
Mag-isip ng mabuti at tama,
Humugot sa dasal ng  lakas at pag-asa
Upang sa huli ay hindi mapariwara.








Dear Students.....


Hindi malaking selebrasyon ang nais namin
Di rin mamahaling regalo ang magpapasaya sa amin
Kundi huwag mo lang sanang limutin
Ngayong  "World Teachers Day",maalala mong batiin.

Ang bati mo ay isang malaking galak
Mula sa pusong inosenti  at busilak
Di mo man makita ngunit pumapalakpak
Ang puso naming puno ng pasasalamat.

Saan ka man ,malayo man ang narating
Sa paaralan minsang naging tahanan m din
Iyo sanang balikan at iyong lingunin
Dati mong guro ay iyong alalahanin.

Minsan kang tinuruan at hinubog
Pinatigas ang iyong dibdib at tuhod
Sandata mong hawak sa gitna ng pagsubok
Gabay at pagmamahal sa iyo'y niluklok.

Ang tagumpay mo,ay tagumpay ng bayan
Dahil sa mga gurong nag-alay ng karunungan
Sila ang naghatid sa bato mong tuntungan
Tungo sa landas ng kabutihan..

Mga Anghel na Walang Pakpak


Bumaba kayo buhat sa langit
Mula sa kawalan ligaya ang hatid
Sa tahanang sa inyo'y minsang nainip
Tuwa sa dibdib ay walang kapalit.

Daig nyu pa ang makinang na ginto
O anumang higit na  yaman sa mundo
Iba talaga ang lukso ng dugo
Na dumadaloy sa ating mga puso.

Wala man akong sariling anak
Na maituturing kong aking matatawag
Ngunit salamat sa mga anghel na walang pakpak
Na naghatid sa aking ng saya at galak.

Kung sa panahong mahina na ang tuhod
Di na makatayo at masakit na ang gulugod
Hawakan sana yaong aking tungkod
Kalingain si tothieng minsang naglingkod..


Dahil Sa Iyong Ngiti


Ibig kong ako ay mapansin
Minsan sana ay lingunin
Ang pusong nananaginip ng gising
Pag-ibig mo'y aking maangkin.

Nang minsang nginitian
Nag-uumapaw ang kaligayahan,
Nang ikaw ay lapitan
Di maipaliwanag ang naramdaman.

Chorus 1:
Dahil sa iyong ngiti
Muli mo akong pinapakilig
Tila narating ko ang langit
Kahit man lang ilang saglit
Para ko na ding nakamit
Na ginawad na ang iyong pag-ibig
Sana' y magkatotoo na ang panaginip.

Sa ngiti mong nagbibigay-sigla
Pangarap ka sa tuwina,
Sa titig ng iyong  mga mata
May lambing akong nadarama.

Chorus 2:
Dahl sa 'yong ngiti
Muling umikot ang aking mundo
Mula sa pagkadapa at pagkabigo
Heto at muling nanunuyo
Muling umiibig ang puso
Maaari bang pagbigyan mo
Na marinig ang tinitibok nito..






Isumbong Mo Sa DIyos


Pagod ka na ba o nalilito?
Sa mg hirap na dinaranas mo,
Minsan umaayaw ka na,
Gusto nang takasan ang dusa.

Sa gitna ng kagipitan
Ikaw ay iniwan,
Wala ka ng matakbuhan
Ngayon ay nag-iisa ka na lang...

Chorus:
Lumapit ka,
tumawag ka sa Kanya
Lahat ng pagod,
Sa Kanya mo ipahinga
Ibulong mo,isumbong mo
Lahat ng iyong pagdurusa
Sa Kanyang palad
mo ito ipaubaya,
Isumbong mo lahat sa Kanya.

Walang katapusang pagsubok
Ang nagpapahina sa 'yong tuhod
Ngunit subukang kumatok
Sa Diyos manalangin
at lumuhod....
(repeat chorus)

Bridge:
........Ang lahat ay isumbong mo,
ang sugat sa iyong puso,
hilumin ang pagdurugo nito,
ooohhh wooohhh!
(repeat chorus)





Repeater Again??


Di na mabilang ilang taon nang ginugol
Buhay-sekondarya sa loob ng iskul
Taon-taon na lang repeater ang hatol
Sa sarili niya'y wala na yatang patol.

Kung di drop-out lalgi namang repeater
Naanod na kanyang  pagiging tinedyer
Kilala na ng guwardiya,lahat ng teachers
Nagreitro na nga ang iba,sila mam at sir!

Tunay ngang siya ay inugat na
2nd year ay di niya maipasa-pasa!
Report card lagi na lang namumula
Sa form 18 ni mam,ang sakit sa mata!

Napuno  na yata niya ang lahat ng forms
Naabutan na din laht uri ng uniform,
Di man lang makaabot sa JS Prom
2nd year pa rin,inabot ng tatlong taon!

Mas masarap kasing tumambay sa kanto
Don sa comp.shop maghapong maglaro,
Pustahan sa dota,lagi namang talo
Pag-uwe ng bahay,sasalubong ay palo

Habang si teacher ay nagrorol-kol
Wala sa klase nasa galaan sa mall,
Sarap buhay wantusawang bulakbol
Pagdating sa card puro matalim na palakol!

Pagdating ng test walang dalang papel
Magagalit ang gurong nakalapel,
Sa pangongopya di mapgil-pigil
Hindi alintana ang gurong nanggigigil.

Walang linggong di nasangkot sa gulo
Lahat na yata na sa kanya ang reklamo
Iiling-iling na lang ang gurong tagapayo
Malaim na hiningang nakakunot ang noo.

Binansagang teacher's enemy no.1
Promotor sa lahat ng kalokohan,
Siya ang meyor ng silid-aralan
Pang-aasar sa klase'y walang pakundangan.

Pagdating ng marso eto na ang iyakan
Ng mga nakikiusap na magulang,
"Pwede ho bang ipasa nyu na lang"
Sa 2nd yr,makaahon man lamang!

Pano haharapin  magandang kinabukasan
Kung taon-taon na lamang ay laging naiiwan
Maraming taon na ang sadyang nasayang
Maawa naman sa aba mong magulang.



Kung May Hangganan


Di nga ba't ang lahat ay may katapusanTayong lahat ay iisa ang hantunganSa ngalan ng pag-ibig aking ilalaanAng buhay na sa aki'y pinahiram lang. Di ko sasayangin ang bawat sandaliKatapatan ko'y iaalay na lagiSa tulad mong aking itinatangiHanggang sa wakas sa puso'y mananatili. Hangga't naririto at  ako'y nabubuhayLahat ng lakas sa 'yo lamang iaalayYaman sa mundo di kayang pumantayPagkat pagmamahal mo aking siyang gabay. Paglalambing mo ang tangi kong yamanBabaunin ko doon sa magpakailanmanNgiti mong dulot ay kagalakanDito sa puso ko hatid ay kapayapaan. Kung may hangganan man ang buhay na itoDoon sa walang hanggang paraiso,Dadalhin ko ang masasayang alaala moKahit pa magkaiba na ang ating mundo.