Pumunta ka sa isang tahimk na lugar,
At tandaan nasa gitna ng masalimuot na buhay
Ay mayron ding kapyapaan.
Sa kailaliman ng iyong puso,
Pakinggan mo lahat ng damdamin
Pagkat sila man ay may isasalaysay din.
Huwag mo ikumapra ang sarili sa iba
Sapagkat may kapus-palad at pinagpala kaysa sa 'yo,
Makakaramdam ka lang ng pait at pagkabigo
Iwasan ang mga taong mapanlibak,
Sapagkat sisirain nito ang matibay mong kalasag
Maging mababa an loob sa pagtanggap ng kahinaan
Huwag mo ipag-alala sapakat hindi ito kabawasan
Sa pagkatao mong itinindig mo may dangal.
Huwag mo isiping kaw lang ang nagdurusa sa mundo,
Hindi lang ikaw ang may wasak na puso,.
Maraming mga tao na sa kabila ng pagkabigo
Ay patuloy na lumalaban at nananatiling nakatayo.
Huwag husgahan yaong mga sumubok at nabigo,
Kundi yaong mga nabigong sumubok.
Tandaan na ang buhay ay puno ng pakikibaka.
Hindi dapat mangamba sa kapalarang sa ati’y itinadhana.
Kung nabigo ka man o ngtagumpay,iisa pa rin ang mahalaga
Hindi mo inatrasan ang hamon sa iyo’y itinakda…
Maraming kapaguran ng puso at isip ay dulot ng takot
Magka minsan ay buhay ay nagiging masalimuot
Kaligyahan at kapayapaan sa puso mo’y hinahakot
Sigla mo ay ninanakaw at balot ka ng lungkot.
‘Wag kang matakot na lumakad mag isa,
Tibayan ang dibdb mayroon kang kasama
Sasamhan ka Niya sa iyong paglalakbay
Hanggang sa huling takipsilim ng iyong buhay.
Humayo ka at hanapin ang sarili,
Tandaan,na sa kabila ng lahat ng iyong pighati
Darating din ang umagang sisilay din ang ngiti
Sa Diyos makakatagpo ng tunay pagkakandili.
Hayaan na sa iyo'y manatili,
Ang lalim ng kapayapaan sa puso't sarili..
..ang buhay ay isang parang gulong.. iikot at iikot ang buhay mula sa kaliwanagan patungo sa karimlan.... hindi sa lahat ng oras ay lagi tayong masaya.. wag natin sanayin na tayo ay laging maligaya.. dahil darating at darating ang oras na susubukin tayo ng DIYOS kung hanggang saan tayo tatagal.. wag tayong mawawalan ng pag-asa... ang pag-asa ay walang katapusan...sa panahon na tayo'y sinusubok, pakinggan natin parati ang ating puso... pagkat ito ang nakadarama ng totoo... ang Diyos ang tutulong satin upang tayo'y palakasin at huwag panghinaan ng loob...
ReplyDeleteAko , kahit na kulang pa sa karanasan , ay maagang sinubok ng Diyos kung gaano ako katatatag.. kahit na bata pa ako noon at musmos ang pag-iisip, nakadama ako ng kalakasan at katatagan sa Panginoon.. hindi ko hinayaang matalo ako.. sa oras ng ako'y nangangailangan , sa Diyos ako nakahugot ng kalakasan .. pinakinggan ko ang mungkahi ng Kanyang salita, Siya ang nag-ayos at muling bumuo ng buhay kong muntik nang masira..Sa muli kong bagong buhay , isa lamang ang natutunan ko, na ang Diyos ay hindi nang-iiwan bagkus sasamahan ka sa lahat ng dagok sa iyong buhay.. huwag nating isipin na tayo'y nag-iisa pagka't may isang DAKILA na sa ati'y nakatingin.. naghihintay lamang na marinig mismo natin ang kanyang tawag at madama ang Kanyang nag-uumapaw na pagpapamahal!!!!....
.Di maiiwasan ang mga pagsubok sa buhay,, may mga pagkakataon na tayo magiging mahina dahil sa ibinigay natin ang lahat ng ating makakaya ngunit hindi natin nakuha ang nais nating makamit.Sa buhay may pagkakataon na tayo ay nagtatagumpay at ito ang ating nagiging pag-asa sa buhay.Marami mang pagsubok na dumating,dapat ay laging matibay ang ating kalooban.. dapat na hindi tayo panghinaan ng loob.. lagi nating isipin na ang lahat ng nangyayari sa ating buhay ay may mga dahilan.. lahat ng nangyayari sa ating buhay ay dahil sa ating sariling desisyon.. kung mabigo man, ay kailangang bumangon,di dapat na malugmok sa nakaraan dahil ito rin ang magiging dahilan ng iyong pagiging mahina at ng iyong pagkasira..Sa pagiging bigo, hindi ibig sabihin nito ay katapusan na ng mundo. "LAGING MAY BAGONG PAG-ASA".
ReplyDeleteSa tulong din ng iyong kumpyansa sa sarili, maaari mo pang mapagtagumpayan ang mga bagay na nabigo ka noon.
Para sa akin, mas tumibay ang aking kaloooban ng dahil sa mga pagsubok.May mga pagkakataon din na naisip kong sumuko, at ako'y naduduwag na harapin ang katotohanan. Ngunit,aking napagtanto na hindi lamang ako ang nahihirapan sa mundo. Naisip ko rin na kahit papaano ay mapalad ako.Parte na ng buhay nating lahat ang pagsubok.At sa tuwing ako'y masasaktan o mabibigo,lalo ring tumitibay ang aking kalooban.
Sa Panginooon ako dumadalangin upang huwag niya akong pabayaan sa mga balakid sa buhay na aking pinagdadaanan.Sa mga bagay na hindi ko masabi sa iba,sa mga bagay na aking itinatago,sa mga bagay na ako lamang ang nakakaalam, laging nandyan ang Panginoon upang makinig sa akin. Tahimik man siya, alam kong andyan lamang siya palagi.