Tuesday, September 6, 2011

Dakilang Ina


Pano ba kita pasasalamatan aking inang mahal?
Na nagtanim sa akin ng magagandang asal
Biyaya ka sa akin ng Poong Maykapal
Dito sa mundo ako' y iyong niluwal.

Hindi masukat ang tuwa ninyo ni itay
No'ng una akong makita ngiti ay sumilay
Tuwa at saya ay sadyang walang kapantay
Samahan ninyo'y lalo pang tumibay.

Sa gitna ng hatinggabi lagi mong nilalambing
Hinahaplos mo ko habang tulog na nahihimbing
Hindi mo hahayaan na ako'y lamukin
Lahat ng pag-aalaga ay iyong gagawin.

Sa aking paglaki nasaksihan ko
Ang iyong hirap pati lahat ng sakripisyo
Kahit kailan hindi narinig ang iyong pagsuko
Kahit na nga ang palad ay nangapal na sa kalyo.

Natatandaan ko pa nung munti pang bata
Walang kaming baon na papasok sa eskwela
Ang pangungutang ay hindi mo inalintana
May maibigay lang sa mga anak mong sinta.

No'ng makita ko yun sinabi ko sa sarili
Kapag ako'y nagkatrabaho kapag ako'y lumaki
Hindi na yun hahayaan na maulit pang muli
Darating ang araw kami sa iyo'y magsisilbi.

Puso mo'y dinurog nung makitang ako'y umiiyak
Dulot ng pag-ibig ang hatid sa akin ay masaklap
Wala kang nagawa kundi sa akin ay yumakap
Pinisil aking kamay at sa akin ay nahabag.

Hndi ka ipagpapalit sa lahat ng sinuman
Mawala na silang lahat,manatili ka lamang
Walang katumbas ang humilig sa 'yong kandungan
Tila isang sanggol noong ako'y nasa ugoy ng duyan.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

6 comments:

  1. Ang masasabi ko po sa tulang ito ay napakaganda dahil po pinapakita po dito ang pag-aaruga at ang pag-aalaga ng isang dakilang ina sa kanyang mga anak.At pinapakita rin po dito na lahat po ay gagawin ng magulang upang maging maligaya ang kanyang mga anak.
    Ito po ang napili ko dahil nung nabasa ko po ito ay bigla ko pong naalala ang mga masasaya at malulungkot na pinagsamahan po namin ng aking ina.Kahit nawala na po ang aking ina ay para sa akin ay isa rin po siyang dakilang ina dahil nakita ko pa rin ang mga paghihirap na ginawa niya upang ako ay maging isang mabuti anak,kaibigan,at kapatid.At napatunayan ko po na ang mga magagandang-asal na tinuturo ng aking ina ay hindi mawawala dahil ito po ay nakatanim sa aking utak at puso.
    Ang mama ko po ang isa sa mga pinakamahalagang tao para sa akin dahil siya ang nagbigay ng buhay ko at siya rin po ang anking inspirasyon dahil alam ko po na kahit wala na siya ay nandyan pa rin po siya upang ako ay gabayan sa lahat ng aking gagawin.
    Ako ay nagpapasalamat sa aking ina dahil kahit wala kana ay nandito ka pa rin po sa aking puso maraming salamat po.

    ReplyDelete
  2. Napakaganda po ma'am ng tulang inyong ginawa.!!!Dapat nga po talaga nating pasalamatan ang ating ina dahil sila ay lubhang mababait,mapagmahal at mapag-alaga sa atin.Lagi po silang nandiyan para tayo'y gabayan. Kung mayroon namang problema,nandyan parin sila para tayo'y tulungan.
    Ako'y hanga po sa inyong ina. Katulad din po ng inyong ina ang aking ina.
    Habang binabasa ko po itong tula,naaalala ko po ang aking ina. Naalala ko po ang lahat ng mga paghihirap na kanyang sinubok simula pa lamang nang ako'y nasa sinapupunan niya. Ako'y nagpapasalamat sa kanya dahil wala po ako dito sa mundong ibabaw na napakaganda kung wala siya. Masaya po ako ngayon dahil pinagkalooban po ako ng panginoon ng napakasipag at responsableng ina.
    Kung ako'y may pagkakamali,nariyan siya para ituwid ang lahat nang ito. Katulad niyo rin po,nangako rin po ako sa aking ina na pagdating ng araw ay siya naman ang aking pagsisilbihan.Sinabi ko po sa kanya,bilang sukli,ay hihigitan ko pa po ang lahat ng ginawa niya sa akin. Hindi ko po siya hahayaan sa bawat sandali.Maswerte pa po tayo dahil nandiyan pa ang ating ina. Iparamamdam natin ang ating pagmamahal sa kanila habang nariyan pa sila dahil hindi natin alam,baka ngayon, bukas,bukas makalawa ay wala na sila.
    Maraming salamat po ma'am sa inyong tula. Ito po'y nagsilbing inspirasyon sa akin upang mas lalo ko pa pong mahalin at sundin ang mga pangaral ng aking ina. Lubos ngang naantig ang aking puso dito sa nabasa kong tula na "DAKILANG INA".
    Lubos na humahanga po ako sa inya ma'am. Ipagpatuloy niyo pa po ang inyong kakayahan sa paggawa ng tula dahil nagbibigay po kayo ng isang inspirasyon sa mga kabataan na katulad ko.
    Tunay nga po talagang DAKILA ANG ATING INA!! Huwag po natin silang isantabi,bagkus ay atin silang IPAGMALAKI!!!

    ReplyDelete
  3. kagaya na lang po nang nakasulat sa tula,gagawin nila ang lahat kahit sa anong paraan pa bastat masiguro lang nila na nasa maayos at mabuting kalagayan ang mga anak nila. Siguro naman po ay walang magulang na gustong mapahamak ang anak. Iyong mga panahon po na naghihirap kami naramdaman ko po lahat ng sakit at hirap ni mama para sa akin. Para lang mabuhay ako at mapakain ako.
    Maam,salamat po sa maganda at nakaaantig na tula dahil po doon nabigyan ko ng panahon ang aking sarili para muling balik-balikan at guni-gunitain ang mga panahon at sandali mula noong pagkabata ko hanggang ngayon. Mahal na mahal ko si mama at hindi rin po ako nagsisisi na siya ang aking naging ina at ipinagmamalaki ko siya. Alam kong walang ibang tao ang magmamahal sa akin ng ganito kundi si mama..thanks po sana ipagpatuloy nyo po yung paggawa nyo ng tula tungkol sa kanila. Nagsisilbi po itong inspirasyon para sakin…

    ReplyDelete
  4. Maam,napakaganda po ng tula na ginawa nyo tungkol sa mga ina at hindi po kayo nagkamali sa pamagat na inilagay po ninyo talaga naman po na masasabi natin na dakila ang mga ina di po ba? kagaya na lang po nang nakasulat sa tula,gagawin nila ang lahat kahit sa anong paraan pa bastat masiguro lang nila na nasa maayos at mabuting kalagayan ang mga anak nila. Alam nyo po maam totoo po lahat ng isinulat nyo po doon halos lahat po yata ng makakabasa ng tulang DAKILANG INA lalo na ang mga kabataang katulad ko ay hindi maiiwasang maantig po doon sa mga nilalaman ng tula.Maam,dahil po sa nabasa kong tula naalala ko po simula pagkabata namin walang hinangad si mama kundi maging mabuti at maganda ang aming buhay at tiyak ko rin po na hindi lang si mama iyon kundi lahat po ng mga ina sa mundo.Naalala ko po yung mga paghihirap at pagtitiis na isinakripisyo po ni mama. Iyong mga panahon po na naghihirap kami naramdaman ko po lahat ng sakit at hirap ni mama pero sa kabila ng lahat ng iyon ay kahit kailan ay hindi ko po narinig si mama na umangal at magsabi na hirap na hirap na siya alam ko po na tinitiis lang ni mama lahat ng iyon.Maam,di ba po lahat ng ina ay nararanasan ang mapagod at maghirap sa buhay kahit nga po sila na lang ang magdusa basta masigurong okay at hindi nahihirapan ang mga anak nila ay sapat nang kabayaran para sa kanila.
    Maam,salamat po sa maganda at nakaaantig na tula dahil po doon nabigyan ko ng panahon ang aking sarili para muling balik-balikan at guni-gunitain ang mga panahon at sandali mula noong pagkabata ko hanggang ngayon.Muli naisip ko rin po na walang sinuman ang kayang tumbasan at palitan ang walang kapantay na pagmamahal na ibinibigay at ipinaparamdam sa atin ng ating mga ina kaya nga po ipinapangako ko na magsusumikap ako sa buhay lalo na sa pag-aaral ko at magiging isang mabuti at responsable akong tao para kahit man lang sa simpleng paraan na iyon ay maipadama ko sa aking mga magulang lalo na kay mama ang buong pagmamalaki at pasasalamat ko sa kanya at hindi rin po ako nagsisisi na siya ang aking naging ina at ipinagmamalaki ko siya.Muli maam binabati ko po kayo kasi sobrang na-touch po ako sa tulang iyon,at napakahusay nyo po talaga sa paggawa ng mga tula dahil hindi lang po basta makagawa kayo ng tula ay okay sinisiguro nyo rin po na tiyak na magugustuhan ng mga mambabasa ang tulang ginawa nyo po at alam ko maam na mula sa puso lahat ng iyon lalo na po siguro yung tulang dakilang ina kasi po lahat naman po tayo ay mahal na mahal natin ang ating mga ina at kung pwede lang ay hindi na sila kailanman mawalay sa atin pero po sa puso at isip natin ay mananatili pa rin silang DAKILANG INA.


    - RICHELDA SAYNES-

    ReplyDelete
  5. Ito po ang napili kong tula dahil dito natin makikita ang mga sakripisyo at paghihirap ng ating mga magulang kahit na marami silang ginagawa ay naglalaan parin sila ng oras upang makasama tayo.Kaagapay natin sa lahat ng problema nagbibigay lakas at inspirasyon upang mag-aral ng mabuti.Gagawin ang lahat upang makapag-tapos ng pag-aaral ng di maranasan ang hirap ng buhay.
    Salamat ina sa lahat,wala pong katumbas na bagay ang ginagawa ninyo sa amin.Pag ako po ay nagkatrabaho lahat ng bagay na makapag-papasaya sa inyo ay ibibigay ko.
    Mabuhay po kayo aking dakilang ina.

    ReplyDelete
  6. Para sa akin ang ina ang syang pinaka dakilang nilalang sa mundo.Kung wala ang minamahal nating ina walang sinumang magaaruga sa atin,walang magmamahal higit sa kanilang buhay,walang magbibigay ng lahat para sa atin,walang maglalambing kapag tayo ay nakakaramdam ng kalungkutan,walang susuyo kapag tayo ay umiiyak walang at iintindi.Ang ina ang pinaka mamahal ko maliban sa Diyos.Kahit ba na sabihin ng iba na MAMA'S BOY ako, wala akong pakielam basta ang saakin mahal ko ang akin ina.Walang sinuman ang makakahigit sa pagaaruga ng isang ina.Kaya kong tiisin ang inyong panglalait wag lang ang aking pinakamamahal na ina.Babae man sila kaya nilang gawin lahat na hindi kayang gawin ng mga lalaki para sa kanilang mga anak.Gusto ko lang pong ibahagi ang aking pagmamahal sa aking ina.Hindi ko ikinahihiya na kahit na hanggang ngayon ay hinhalikan parin ako ng aking ina sa pisngi,niyayakap ng mahigpi kapag ako ay bagong gising,hindi ako nahihiya dahil anu pa nga bang iyong magagawa kapag wala na sila? Tsaka mo lang maiisip at mag sisisi na bakit hindi mo naiparamdam ang iyong pagmamahal sa iyong ina.Kaya naman umpisahan nyo nang halikhalikan,yakap yakapin at mahalin ang inyong mga ina.Hindi ko lubos maisip kung anong magiging kalagayan ko kapag nawala na ang aking pinakamamahal na ina?yan ang naiiwang katanungan sa aking isipan.Minsan naiisip ko rin na mas gusto ko na mauna nalang mawala dito sa mundo kaysa naman makita ko na siya ay mawala.Parnag hindi ko yata kakayanin kung siya ay mawawala.Ganyan ko kamahal ang aking ina.Sabi nga sa kanta ni Whitney Houston "LOVING YOURSELF IS THE GREATEST LOVE OF ALL" ngunit para kay Jordane Cabanus "LOVING YOUR MOTHER IS THE GREATEST LOVE OF ALL".

    ReplyDelete