Wednesday, October 19, 2011

Kay Sarap Mabuhay(video)


Bigo.
Low spirit.
Parang walang katapusang sakit.
Sakit na parang gusto mo nang takasan.
Gusto mo nang sukuan.
Takot ka na kasing lumaban..
Parang naubos na lahat ng lakas at tapang mo.
Ang dami mo na kasi kinikimkim dyan sa puso mo,
..sa isip mo.
Pinasan mo na yata lahat ng sama ng loob.
Hindi ka ba napapagod?
Ang dami mong takot.
Ang dami mong alalaahanin.
Hindi mo ba naisip na ang dami nang nasasayang?
Ang mga oras na dapat masaya ka.
Nakangiti.
At humahalakhak na kasama ang mga importantentg
tao sa buhay mo.
..ang pamilya mo,
..ang mga kabigan mo.
..barkada,mga ka-tropa
..mga kasamahan mo sa trabaho
..mga long lost friends mo,at mga kaklase mo...
Ienjoy ang buhay.
Sabi nga nila,"Live life to the fullest"!
Ang ganda,di ba?
Kumbaga,gawing magaang lang ang buhay.
Siyempre lahat naman tayo may problema.
May kanya-kanyang pinagdadaanan.
Pero sa kabla non,masarap pa rin mabuhay.
Pero pano mo mararanasan'yon?
Kung ikaw mismo,ayaw maging masaya.
Ikaw mismo,takot maging masaya.
Huwag ka kasing matakot.
Huwag kang paapekto sa "rejection" ng iba.
Eh ano ngayon kung ganyan ka?
Kung ayaw nila sa iyo,
Kung baon ka man sa utang,
Kung single ka at walang partner,
Kung mahina ka sa klase,
kung nabuntis ka ng maaga,
Kung iniwan ka man ng iyong pinakamamahal,
Kung nalugi ang negosyo mo,
Kung natanggal ka man sa trabaho,
Kung ginamit ka at niloko,
Katapusan na ba ng mundo?
Wake-up!
May panahon ka pa.
Kailanaman hindi nauubos ang pag-asa.
Laging may pagkakataon.
Ilang beses ka mang mabigo.
Masaktan.,
Umiyak.,
At madapa..,
Tandaan mong masarap parin ang mabuhay!
Simulan mo...
Ngayon na!...








Estudyanteng Sugatan


Papasok na naman sa paaralan
Umagang sikmura ko'y kumakalam
Kapeng malamig ang laman ng tiyan
Di alintana 'wag lang magalit si mam.

Ngunit batid kaya ni Mam mga dinaranas ko?
Bakit laging tahimik doon sa bandang dulo,
Di naman pwedeng isigaw sa mundo
Na kahit bata ako din ay bigo.

Kung napapagalitan man dahil maingay
Sa inyong klase at madalas pasaway
Dahil lumaki akong walang gumagabay
Bata pa lamang hiwalay na sila Itay at Inay.

Noong ako ay ma-drop out at naging tambay
Dyan sa kanto pasimuno ng away
Ngunit kahit ganon puso pa rin ay dalisay
Nais parin makabalik sa 'yong mga kamay.

Puso'y nagpupuyos at nagrerebelde
Pagkat sa aki'y walang umuunwa't umiintindi
Walang ginawang tama,lagi na lang nasisisi
Kaya't halos ayoko ng pumasok sa klase.

Minsan kang nakita sa akin ay nagalit
Pagkat project sa iyo'y naipasa ko ng late
Hindi mo ba alam sa pera kami ay gipit
Nakaratay pa ang patpating inang maysakit.

Alam mo ba nung minsang ako'y tinawag mo
Sa gitna ng talakayan ako'y pinatayo
Wala akong nasabi pagkat ako'y tuliro
Puso kong bata'y pinaglaruan at niloko.

Kahit itago ko sa aking pagkabungisngis
Ang pagtawa't paghalakhak ko ng labis
Hindi nyu ba alam ang ikinukubli kong hapis
Sa murang edad tatlong buwan nang buntis.

Ngayon Ma'am,inyo na pong nalaman
Katotohanan sa likod ng mga matang malamlam
 Maraming estudyanteng may pait na pinagdadaanan
Hiling ko lamang na 'wag kaming husgahan..

Kailangan kita,kailangan ka namin, Ma'am!
Huwag mo naman sana kaming pabayaan
Ang palad mo ang siya naming kanlungan
Sa tulad naming may mga pusong sugatan...

Yapak sa Buhanginan


Minsan...
Akala mo, 
Nag-iisa ka lang sa mundo.
Mag-isang hinharap ang problema,
Ang lahat ng pait,.
Ang lahat ng pasakit.
Minsan,.dumadaing ka na.
Sumusuko.
Pakiramdam mo,parang wala ng katapusan.
Gusto mo man lumaban,
Pero mahina ka,
Mabuway.
Wala ka matakbuhan.
Wala ka makapitan.
Gusto mong magsumbong,
Pero walang gustong makinig.
Nasaan na nga ba sila?
Pero,hayaan mo na sila.
Huwag mong hanapin sa kanila,
Ang lakas na hinahanap mo,
Dahil mabibigo ka lang,
Madi-disappoint.
Ang bigat ng puso mo,
Kay Hesus mo ihabilin.
Ipagkatiwala.
Ipaubaya.
Kailanman hindi ka Niya pinabayaan.
Akala mo kasi,
Nakalimutan ka na Niya..
Ikaw lang ang nakalimot.
Ganun ka naman eh,
Kapag masaya ka,
Halos hindi mo na Siya maalala.
Pero alam mo...
Kahit ganun ka,
Mahal ka pa rin Niya.
Hindi mo ba alam,
Na sa bawat bigat ng puso mo,
Ng kalooban mo,
Nando'n lagi Siya.
Parang bakas lang,
Ng Kanyang mga yapak sa dalampasigan,
Akala mo hindi Ka niya sinasamahan,
Dahil iisang yapak lang ang nakita mo.
Pero ang totoo,
Kasama mo Siya,
Hindi mo lang nakita ang isa,
Dahil karga ka Niya
Habang naglalakad kayo sa buhanginan..


"The Writer's Journey"


I am waiting for a perfect moment
In the deepest part of my silence
Words can be written
And the heart could be spoken.

When soul near at peace
As God with His loving grace
In His hand,I thank and praise
That my life is no longer in mess.

May He bless me the vocation to touch
For those who feel that they are left and unloved
For those who are weak,alone,and sad
Through my poems,God speaks in their hearts.

As I continue  with this  journey
I  know that life will not that be easy
But I still believe in good destiny
I will come to an end through His glory.




Masarap Nga Bang Maging Single? (new version for movie making)


Malaya ka sa oras..
Kahit saan mo gusto pumunta,
Kahit anong oras,
Pwede.
Walang pipigil.
Walang magagalit.
Hawak mo ang iyong panahon,
Walang pwedeng magdikta sau.
Ikaw ang boss.
Ikaw ang manager ng buhay mo.
Pero ang tanong nila,
Masaya ka nga ba?
Masarap daw kasi manood ng sine,
ng may kasama..
Mag-food trip na kasama ang minamahal.
Magsimba ng sabay kayong dalawa.
Mag-shopping sa mall na kasama siya.
Mga panahon na gusto mong maglambing.
May magsasabi sa 'yo ng,..
I love you.
Ingat ka huh,
good night at sweet dreams..
Eh paano nga kung talagang wala?
May magagawa ba sila?...
Pero hayaan mo na lang sila.
Huwag ka na lang magpaapekto.
Eh ano ngayon kung single ka..
Ang importante,
Ikaw muna.
Mahalin mo muna ang sarili.
Ienjoy mo muna ang pagiging single..
Huwag kang matakot mag-isa.
Hindi naman sukatan ng kaligayahan,
ang pagkakaroon ng partner..
Kung minsan nga di ba
kapag may partner,
magulo..
masalimuot..
at nakakadagdag ng stress sa 'yo.
Kaya hayaan mo na,
kahit single ka,
malaya naman ang isip mo,
malayo ka sa anumang stress.
Kaya't mabuhay ka ng may ngiti,
ang buhay ay puno ng excitement.
Malay mo isang araw,
Muling kiligin ulit ang puso mo...
 At matagpuan mo na,
Ang taong karapat dapat sa pagmamahal mo..
Huwag ka lang mainip,
Maghintay ka lang...
Damhin mo muna ang pagiging single....

Dahil Bata Ka Pa


Ang pagtanda ay hindi minamadali
Dapat may natutunan habang lumalaki
Tuklasin mo ang iyong sarili
Nang lumaki ka ng tama at mabuti.

Dahil bata ka pa ikaw muna'y pasakop
Sa magulang mong sa iyo'y kumukopkop
Walang sawang sa iyo'y nagtataguyod
Kahit masakit na ang kanilang gulugod.

Dahil bata ka pa ikaw muna ay makinig
Sa payo at aral na lagi nilang sinasambit
Buksan ang puso at ng ikaw ay maantig
Ginintuan nilang aral itatak sa dibdib.

Dahil bata ka pa 'wag masydong matapang
Lumaban at sumagot sa magulang
Matabil mong dila at pagsagot ng pabalang
Ugaling kasumpa-sumpa't walang paggalang.

Dahil bata ka pa malambot pa ang buto
Upang suungin ang hamon ng mundo
Hindi mo kakayanin ang unos at bagyo
Kalasag mo'y hindi singtibay ng bato.

'Wag munang pasukin ang larangan ng pag-ibig
Pagkat bubot pa ang iyong puso't isip
'Wag kang magmadali at 'wag ding ipilit
Pagkat sa huli baka ikaw ay humibik.

Walang magulang ang maghahangad sa anak
Na sila'y mapariwara't mapahamak
Ganda ng kinabukasan ang tangi nilang hangad
Ng lumaking kang may dangal at dignidad.


Saturday, October 8, 2011

Paglingap


Bawat sandali sa buhay ng tao
Lumalakad minuto’t Segundo
Huwag sayangin bawat lakas mo
Habang bata’t malakas ang buto
Magtanim ng mabuti sa puso
Sapagkat ‘ika nga sa kantang tanan
Minsan lamang tayo daraan
Sa mundong puno ng panlilinlang
Kaya’t ang mabuti, gawin na ngayon
Sa nangangailangan dapat tumugon
Mata’y ibukas at wag maging bulag
Sa kapwang hikahos at naghihirap
Sa pagkain at sa yaman ay salat
Sa kaginhawahan sila’y hubad
Tumindig ka’t ialay ang palad
Sa kanila’y ipadama ang paglingap.
Gawain ng isang tapat na alagad
Sa kabutihang nagawa’y wag maghangad
Hayan mong Siya ang maggawad
Sapagkat Siya lamang ang tapat na Hukom
Sa iyo’y huhusga sa dako pa roon
Sa pagtatapos ng iyong misyon…

Masarap Nga Bang Maging Single?


Nagiisa ka na,
Walang nagmamahal,wala ng kasama.
Tahimik ngunit malaya
Walang nagbabawal,walang sumisita
"Bossing" ka ng iyong oras
Gabi't hapon man ang lumipas
Gimik at lakwatsang walang habas
Nasusunod lahat ng gusto
Kahit saan man ikaw magtungo
Hawak iyong oras at minuto
Bumilang man ang maraming segundo
Nalilimutan ang sugat ng puso.
Ngunit pa'nona sa iyong pag-uwi
Lalo na't pagsapit ng gabi?
Sa iyong pagtulog,wala kang katabi
Hanging amihan sa iyo'y dumadampi
Lungkot sa pusong dito'y nagkukubli
Pangungulila'y hindi maitatanggi.
Pagpasok ng iyong silid
Luha sa mata'y mangingilid
Uupo sa sofang wala na sa paligid
Ang sintang pinakaiibig
Anuman ang gawin,hindi na siya magbabalik..



Sa bubong pumapatak na naman
Ang dagunot ng malakas na ulan
Parang musika kung aking pakinggan
Melodiyang masaya sa pakiramdam.

Hampas ng hangin tila isang awit
Nanunuot sa aking pandinig
Di man maikumpas yaong himig
Dulot ay kilig sa aking dibdib.

Lamig na dulot mo sa aki'y yumayakap
Animo'y haplos na sa puso'y nag-aalab
Hatid ay ngiti at may bating galak
Nalilimot din mga bigong pangarap.

Kung pwede nga lang 'wag ka ng umalis
Nang 'di na makaramdam ng lunkot at hapis
Ngunit pagnagtagal hatid mo ay labis
Baha at delubyo sa tao ay pasakit.


Dilang Matalim


Bago magsalita 'sanlibong mag-isp
Himaymayin ng paulit ulit
Baka sa iba ikaw ay makasakit
Daig mo pa wala sa sariling bait.

Kung di makakatulong 'wag ng sabihin
Baka hindi matanggap at di maatim
Sa paligid mo baka sila'y manimdim
Sa dila mong tila hinasang patalim.

Hindi naman kabawasan sa iyong pagkatao
Kung nais sabihin ang sadyang totoo
Ngunit bigyan lang sana kahit kunting respeto
Ang damdamin ng abang kapwa mo.

Ilagay sa lugar ang pagiging prangka
Kung ito'y di nakakasakit sa iba
May kapintasan man ay tao parin sila
Na dapat mong tingnan,katoto kong sinta!







Pilipinas, For Sale?


Sa aking pamamahinga aking napanood
Patalastas sa tv masakit sa gulugod
Katotohanang sadyang nakakalungkot
Yamang likas natin ay hinahakot.

Bakit naging talamak yaong bentahan
Sa giliw kong perlas ng silangan
Tila produktong naging pakyawan
Mga ganid na negosyanteng dayuhan.

Pati mga isla ginawang pribado
Ng mayayamang sagad sa buto
Pagkagahaman sa salap at ginto
Sa likas na yaman natin sila'y berdugo!

Pati kabundukan 'di rin pinatawad
Kinalbo't ginawa na ding patag
Lupa'y isinakay at doon inilayag
Magkamal lang ng salapi sa mga dayuhang kumag!

Kilala tayong sagana sa coral reefs
Sa asul niyang dagat at sa isda ay hitik
Buong mundo pa nga sa ati'y naiinggit
Ngunit pinagkakitaan lang ng mga walang bait.

Kung magpapatuloy ganitong kalapastanganan
Bayan kong isinadlak sa kalakalan
Wala ng paggalang sa ating inang kalikasan
Ano na kaya ating magiging hantungan?

Masakit isiping 'Pilipinas,For Sale?
Damdaming pinoy sadyang nakapanggigil
Huwag sanang magtagal yaring hilahil
Yamang likas maubos at makitil.






Move On!


Lagi kong naririnig ang salitang "move on!"
'Wag ko na daw balikan,'wag ng lumingon
Sa nakaraang may masakit na kahapon
Payo ng kaibigan sa akin  ay bulong.

Mayroon ding nagsasabing ipaglaban daw kita
'Wag daw akong sumuko kahit nasasaktan pa
Ngunit ang hirap yata kung ipaglalaban ka
Gayong puso mo'y inilaan na sa iba.

Napag-isip kong manahimik na lang sa tabi
Lahat ng sakit dapat na lang ikubli
Anuman ang pinagdaanan idaan na lang sa ngiti
Maging malakas sa likod ng pighati.

Kaya ko din naman mabuhay ng normal
Kahit sa aki'y wala ng nagmamahal
Hindi na hahayaang puso'y muling masakal
Ng nakaraang binalot ng kaytagal. 

Hindi ko din hahanapin ang pag-ibig ng iba
Sugat na tinamo hayaang maghilom ng kusa
Sa kamay ng kapalaran sa kanya ipaubaya
Ang hatol ng mapaglarong tadhana.


KEYPAD


Sa keypad nakatingin
Nagiisip pa man din
Tulang papandayin
Galing sa damdamin.
Minsan walang kausap
Ayaw naman makipagchat
Hawakan ang  keypad.
Daliring pipilantik
Damdami'y isasatitik
Ng walang alumpihit
Sa isip nakasiksik
Sa mga ideyang hitik
Nag-uumapaw na pilit.
"Keypad" nagbibigay-pansin
Nababasa ang damdamin
Ng makatang nakasalamin.
Minsan pinagtatawanan
Mapagmataas na hunghang
Akala mong may alm
Tulad ko din namang mangmang.
"Wag isiping ako'y weird
Kanya-kanya lang yan ng trip
Paganahin din ang isip
Sa "keypad" kong cheap!















Ang Pangarap Kong Gulong


Nakakapagod din ang lageng nakamotor
Binabalanse ng dalawang gulong
Sa ulan man o sa bagyo laging sinusuong
Marating lang yaong destinasyon.

Ayoko na ng pasingit-singit
Doon sa lansangan sa gitna ng init
Stress ang abot sa ulo'y masakit
Kahit pa nga suot ang helmet.

Kung magkaminsan busina nya'y paos
Babalang di marinig ang tunog
Sadyang ang hirap iwasan ng lubos
Banta ng aksidenteng hindi matalos.

Dadalawa kong gulong minsan isa'y "flat"
Maipa-vucanize man ay di parin sapat
Hay naku,kailan kaya matutupad
Pangarap kong gulong magiging apat?

Kailan kaya makakahawak bilog na manibela
Sa driver's seat may "clutch" sa paa.
Prenteng nakaupo't naka aircon pa
Ulan man o araw di na alintana.

Gulong kong dalawa sana'y maging apat na
Nang di na tinitiis alikabok sa kalsada
May pinto at bubong at protektado pa
Mula sa sakit ng pabago-bagong klima.



Ang Bayan ng Malambing


Kahanga-hanga yaong mga taga-bulacan
Kahit saan mang anggulo mo tingnan
Ugali't pananalita'y magandang tularan
Pino ang kilos at sadyang simpple lang.

Doon sa Bulacan State University
Kagigiliwan mo ang mga estudyante
Maging babae man o maging lalaki
Di nawawala ang ngiti sa labi.

Yaong mga dalagita’y sadyang mahinhin
Kung makipag-usap laging may lambing
Kahit mga binatilyo’y maginoo’t matulungin
Sa kanila’y wala kang itulak-kabigin.

Di rin pahuhuli yaong may edad na
Magiliw sa pagtanggap ng bisita
Ngiting sasalubong sa bawat pamilya
Aasikasuhing lubos buong pagsinta.

Isang pagpupugay at isang saludo
Sa lahat ng mga bulakenyo
Ipagmalaki mo ng taas-noo
Magiliw kang lahing Filipino.




Kaysarap Mabuhay!

Kay Sarap Mabuhay!

by Therresa Baniquid on Wednesday, October 5, 2011 at 8:14am
Bigo.
Low spirit.
Parang walang katapusang sakit.
Sakit na parang gusto mo nang takasan.
Gusto mo nang sukuan.
Takot ka na kasing lumaban..
Parang naubos na lahat ng lakas at tapang mo.
Ang dami mo na kasi kinikimkim dyan sa puso mo,
..sa isip mo.
Pinasan mo na yata lahat ng sama ng loob.
Hindi ka ba napapagod?
Ang dami mong takot.
Ang dami mong alalaahanin.
Hindi mo ba naisip na ang dami nang nasasayang?
Ang mga oras na dapat masaya ka.
Nakangiti.
At humahalakhak na kasama ang mga importantentg
tao sa buhay mo.
..ang pamilya mo,
..ang mga kabigan mo.
..barkada,mga ka-tropa
..mga kasamahan mo sa trabaho
..mga long lost friends mo,at mga kaklase mo...
Ienjoy ang buhay.
Sabi nga nila,"Live life to the fullest"!
Ang ganda,di ba?
Kumbaga,gawing magaang lang ang buhay.
Siyempre lahat naman tayo may problema.
May kanya-kanyang pinagdadaanan.
Pero sa kabla non,masarap pa rin mabuhay.
Pero pano mo mararanasan'yon?
Kung ikaw mismo,ayaw maging masaya.
Ikaw mismo,takot maging masaya.
Huwag ka kasing matakot.
Huwag kang paapekto sa "rejection" ng iba.
Eh ano ngayon kung ganyan ka?
Kung ayaw nila sa iyo,
Kung baon ka man sa utang,
Kung single ka at walang partner,
Kung mahina ka sa klase,
kung nabuntis ka ng maaga,
Kung iniwan ka man ng iyong pinakamamahal,
Kung nalugi ang negosyo mo,
Kung natanggal ka man sa trabaho,
Kung ginamit ka at niloko,
Katapusan na ba ng mundo?
Wake-up!
May panahon ka pa.
Kailanaman hindi nauubos ang pag-asa.
Laging may pagkakataon.
Ilang beses ka mang mabigo.
Masaktan.,
Umiyak.,
At madapa..,
Tandaan mong masarap parin ang mabuhay!
Simulan mo...
Ngayon na!...







Wednesday, September 7, 2011


Namatay na lahat ng pag-asang inaasam-asam
Nalinaw na din pati na mga agam-agam
Masakit man sa dibdib at kahit patuloy na nagdaramdam
Bigkas ng bibig, isang bulong na "paalam"..

Masakit mang tanggaping hindi mo na mahal
Para ko natikman ang higit sa sanlibong sampal
Ngunit kung ito na ang paraan ng Poong Maykapal
Na ako'y magising sa aking pagkahangal.

Sa aking pananahimik ayoko nang manumbat
Sapat na sa akin ang sabihin mo lahat
Amining hindi mo na mahal, matapang na pagtatapat
Kahit sa puso ko'y nag-iwan ng malalim na sugat.

Alam kong masaya ka na at hindi ka na guguluhin
Upang ang buhay ko ay magpatuloy na rin
Sugat sa dibdib,isa lang aking hiling
Sa Diyos pagdating ng panahon nawa'y hilumin.


              Bawat hakbang ko'y katumbas ng iyong kaligayahan... :(
 

Ambisyosang Makata



Ako'y hindi propesyunal na makata
Di rin kasing galing ni makatang gala
Lalong hindi nais magpsikat sa madla
"outlet" lang po ito ng abang manunula.

Aking emosyon ay idinadaan lang sa sining
Sa aking mga tula,sinasalamin ay damdamin
Ng pilat sa pusong mahirap arukin
Dulot ng nakaraang nais nang limutin.


Ang abang manunulat ay isang talunan
Kaya't pait na dinanas ay dinaan na lang sa tulaan
Hindi intensyong ako'y hangaan
Kundi nais lang dalahin ay gumaan.

Sa mga natutuwa, salamat po sa inyo
Sa pagtangkilik sa tulang pinapanday ko
Gayon din naman sa mga nagtataas ng noo
Pakumbabang salamat, alay pa rin ng puso.

Hilumin Mo


Pagkawala niya'y isang malaking hamon
Muling tumindig at nangangarap bumangon
Mula sa sakit sarili'y nais iahon
Sugat ng nakaraan malimot nawa ng panahon.

Hindi kayang tagalan sakit na dinaramdam
Paghilom ng sugat laging inaasam-asam
Doon sa altar,Siya lang ang tanging may alam
Lahat ng lungkot kailan mapaparam.

Oh Diyos ko,ako'y iyong pakinggan
Hilumin Mo,itong pusong sugatan
Punasan Mo din itong pusong luhaan
Upang di na umiyak magpakailanman

Sa bingit ng dusa'y yakapin Mo ng mahigpit
Daluhan Mo ko sa gitna ng paggibik
Sa lahat ng ito'y Ikaw ang aking bukambibig
Pagkat anak Mong Siya mong iniibig.

Paalam,.Mahal naming Kaibigan...


Ang paglisan mo ay isang malaking dagok
Sa pamilya,kaibigan,estudyante’t na ngayo’y nalulungkot
Na tigib ng luha, at damdami’y masalimuot
dito sa aming puso’y mayroong kirot.

Hindi matatawaran ating pinagsamahan
Doon sa Malinta,unang naging tagpuan
Paaralang naghubog sa ating pagkakaibigan
Kapatid,kapamilya ang naging turingan.

Naisip ko pa nga,magkaibigan hanggang sa huli
Hanggang sa tumanda,buhok ma’y pumuti
Magsasama sa lahat ng oras,sa lungkot man o ngiti
Hindi mag-iiwanan,magkasamang lagi.

                                                                             

Ngunit hindi sinasadyang maaga mo kaming nilisan
Hindi ka man lang namin nayakap ng lubusan
Oh di kaya’y napisil at kamay mo’y nahawakan
Hindi rin nasabing “mahal ka namin,kaibigan”

Sa iyong paglisan baunin nawa aming mga dasal
Kapayapaan mo’y hiling namin sa Poong Maykapal
Hindi ka malilimot pagkat lagi ka naming mahal
Hindi kukupas ganu man katagal…

Paalam na sa ‘yo butihin naming kaibigan
Magkikita kita pa rin tayo doon sa walang hanggan
Sa piling ng Poon na siya mong magiging kanlungan
Ng iyong kaluluwang hihimlay sa Kanyang kapayapaan.

Pagbawalan Ang Puso



Hindi nga ba minsan nang naransan ang sakit?
Dulot ng masaklap at mapait na pag-ibig
Na sa puso mo'y malalim an inukit
Ipinutong sa 'yo tila isang libong tinik!

Dahil sa pagkabigo takot nang muling magmahal
Natikman ng puso ang manamlay at mapagal
Paghilom ng sugat ay laging inuuusal
Doon sa kawalan hinintay mo ng kaytagal.

Pagbawalan ang pusong 'wag nang umasa
Huwag nang maghintay,huwag nang ding  magtiwala
Sa pagmamahal na nagbabalatkayong mukha
Baka mabigo lang at ika'y muling  lumuha.

Tuesday, September 6, 2011

SINO ANG HINIHINTAY NI POKNAT?



                                                               Ano kyang meron sa mga tula ni poknat?
Sa kanyang mga gawa na kanyang sinusulat
Tinipon sa titik sa puso’y nagbubuhat
Habang nakaupo doon sa tabing dagat.

Ano nga bang meron sa kanyang mga tula?
Sa bawat saknong, sa bawat salita
Tila nababalot ng kung anong hiwaga
Kaya niyang hipuin puso ng madla.
 

Ngunit sino nga ba ang nasa likod ng lahat?
Tulang pinapanday ay puno ng pangungulila’t pangarap
Sino itong nagsisilbi niyang matibay na kalasag
Pinaghuhugutan ng inspirasyon,gabay nya’t liwanag.

San kaya niya hahanapin kanyang hinihintay
Hindi kaya siya mapagod sa kanyang pag-aantabay
Baka naman yaong mahal puso’y sa iba na inaalay
Lahat ng pagtitiis nya’y mawalan ng saysay.

Sa kanyang mga tula kami’y napapaisip
Sinong mahal ang lage niyang bukambibig
Hindi matatawaran taglay niyang dakilang pag-ibig
Sa kanyang pinakamamahal,inukit na sa dibdib.

Dakilang Ina


Pano ba kita pasasalamatan aking inang mahal?
Na nagtanim sa akin ng magagandang asal
Biyaya ka sa akin ng Poong Maykapal
Dito sa mundo ako' y iyong niluwal.

Hindi masukat ang tuwa ninyo ni itay
No'ng una akong makita ngiti ay sumilay
Tuwa at saya ay sadyang walang kapantay
Samahan ninyo'y lalo pang tumibay.

Sa gitna ng hatinggabi lagi mong nilalambing
Hinahaplos mo ko habang tulog na nahihimbing
Hindi mo hahayaan na ako'y lamukin
Lahat ng pag-aalaga ay iyong gagawin.

Sa aking paglaki nasaksihan ko
Ang iyong hirap pati lahat ng sakripisyo
Kahit kailan hindi narinig ang iyong pagsuko
Kahit na nga ang palad ay nangapal na sa kalyo.

Natatandaan ko pa nung munti pang bata
Walang kaming baon na papasok sa eskwela
Ang pangungutang ay hindi mo inalintana
May maibigay lang sa mga anak mong sinta.

No'ng makita ko yun sinabi ko sa sarili
Kapag ako'y nagkatrabaho kapag ako'y lumaki
Hindi na yun hahayaan na maulit pang muli
Darating ang araw kami sa iyo'y magsisilbi.

Puso mo'y dinurog nung makitang ako'y umiiyak
Dulot ng pag-ibig ang hatid sa akin ay masaklap
Wala kang nagawa kundi sa akin ay yumakap
Pinisil aking kamay at sa akin ay nahabag.

Hndi ka ipagpapalit sa lahat ng sinuman
Mawala na silang lahat,manatili ka lamang
Walang katumbas ang humilig sa 'yong kandungan
Tila isang sanggol noong ako'y nasa ugoy ng duyan.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Bayani Ka!



Hirap at sakripisyo mo'y walang katulad
Yaman sa mundo ay hindi mo hinangad
Kaagapay ka sa pagbuo ng mga pangarap
Pinupuno mo ng pag-asa,hatid mo'y liwanag.

Sa maghapong pagtuturo di mo inalintana
Pumaos man ang boses,pakiramdam man ay sumama
Lalong manlulumo kapag hinugot ang bulsa
Pamasahe pag-uwi kumakalansing na barya.

Pagdating mo sa bahay ay hindi pa dun natatapos
Pag-aasikaso sa pamilya kahit katawan man ay nauupos
Walang kapantay ang pagsisilbi mong lugod
Sa iyong asawa't anak masayang naglilingkkod.

Salat ka man sa pangngailangang pinansiyal
Tukso sa salapi ay di ka nagpapakahangal
Pinatutunayan mo na ang guro ay may dangal
Hindi mo man sila kasing-yaman,ngunit malinis at marangal.

Lahat ng estudyante na dumaan sa iyong mga kamay
Anuman ang narating,nabigo man o nagtagumpay
Hindi lahat sila ay magbabalik at mag-aalay
Ng pasasalamat sa kaalamang ibinahaging mong tunay.

Sana ngayong Setyembre ay maalala ka
Ng mga estudyante minsan mong kinalinga
Sa buwang ito,ang guro ay dinadakila
Saan mang pulo at panig ng bansa.

Happy Teacher's Month!

Monday, August 29, 2011

Teks Adik




Hindi ba nila naiisip, hindi ba sila nagtataka

Ang nagagawa ng "txt" ay sadyang kakaiba?
Sadyang makabago ating teknolohiya
Malalim na emosyon,dito'y naipapadama.

Magkaminsan nga kahit hindi mo pa nakikita
Kahit hindi pa rin lubos na nakikilala
Sa lambing lang ng text,kinikilig na
Kahit "jejemon" pa nga pilit pang binabasa.

Yaong mga adik sa teks,kahit hindi na yan kumain
Kahit masakit na ang kamay ay sige pa rin
Maghapon,magdamag cell phone ay aatupagin
Parang nanggigil,mahirap pigilin.

Kahit nga sa daan hindi yan paaawat
teks ng teks,cp ay laging hawak
Kahit sa gitna ng klase wala ding patawad
Hindi alintanang galit ni teachr ay sumambulat.

Naiimbyerna pa yn kapag hindi makapag-unli
Paregs ng paregs hindi mapakali
Sukdulang mapudpod man ang daliri
Maiteks lang ang naghihintay na si "honey".